Janine Gutierrez Fans Rally Against Paulo Avelino, PauNine Fandom in Jeopardy

Aktres na si Janine Gutierrez sobrang saya sa mga nakalinyang pelikula at teleserye, mga fans todo ang suporta.

Sa kabila ng pagiging solo artist ngayon ng aktres na si Janine Gutierrez, patuloy pa rin namang pag-usbong ng kanyang showbiz career.

Lalo namang lumakas ang pagsuporta ng kanyang mga tagahanga sa kanya lalo na ngayong tila naagrabyado ang aktres sa naging tambalan nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Matatandaan na bago pa man maging magkatambal sina Paulo Avelino at Kim Chiu una nang nagkapareha sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino sa kanilang mga teleserye at nagkasama na rin sila sa kanilang mga concert.

Nagkaroon rin ng mga bali-balita noon patungkol sa pagkakaroon ng relasyon ng dalawa dahil sa pagiging close nila sa isa’t-isa.

Pero magmula noong naging katambal na ni Paulo Avelino si Kim Chiu ay tila na itsapwera na umano si Janine Gutierrez. Tila kinalimutan na rin ng lahat ang naging nakaraan nitong kasama si Paulo Avelino.

Kaya naman, sa pamamayagpag ngayon ng aktres na si Janine Gutierrez marami sa mga fans ng aktres ang nagsasabi na huwag na sanang pumayag si Janine Gutierrez na ipareha kay Paulo Avelino para hindi na ito masaktan.

Tinawag rin nilang marupok si Paulo Avelino dahil bumigay umano ito kaagad sa panunukso ng maraming netizens kay Kim Chiu.