
Jane de Leon, emosyonal na naglabas ng saloobin matapos ang paglabas mula sa PBB house
– Emosyonal si Jane de Leon matapos ang kanyang pamamaalam bilang guest sa PBB house
– Inamin niyang sa loob ng bahay ni Kuya lang niya naranasan ang pagtanggap at kapayapaan
– Ibinahagi niya na hindi lahat ng mahalagang sandali ay nahuli ng kamera, ngunit naramdaman niya ito ng buong puso
– Umani ng papuri ang kanyang tapat at taos-pusong mensahe sa social media
Naglabas ng emosyonal na pahayag ang aktres na si Jane de Leon matapos ang kanyang paglabas bilang celebrity guest sa Pinoy Big Brother (PBB) house. Sa kanyang mensahe na ibinahagi sa social media, hindi napigilan ni Jane na maging tapat sa kanyang nararamdaman at pinasalamatan ang buong karanasan sa loob ng bahay ni Kuya.

Source: Instagram
“Emotional? Oo, ako ’yon.” panimula ni Jane sa kanyang post. Ibinahagi niya na bagamat maraming mata at opinyon sa labas, sa loob ng bahay ni Kuya ay naranasan niya ang tunay na pagtanggap. “Tinanggap nila ako kung sino ako.” aniya. Para kay Jane, hindi siya tinuring na guest—bagkus ay naging isang tunay na bahagi ng pamilya ng mga housemates.
Ayon sa kanya, “They treated me like a real housemate, a sister, a friend, a part of their family.” Binalikan pa ni Jane ang sinabi sa kanya ng ilang housemates: “Ate Jane, lagi nila sinasabi na OA kami… pero ngayon na andito ka, maiintindihan mo na.” At ngayon, ani niya, mas naiintindihan na niya ito, mas naramdaman niya, at iyon ang mas nagpahirap sa kanyang pag-alis.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!
Sa kabila ng pagiging panandalian sa loob ng bahay, tila naging malalim ang koneksyon ni Jane sa mga housemates. “Masakit kasi… ayaw din nila akong paalisin. They held my hand. They hugged me tighter.” aniya. Maging ang mga raw na sandali na hindi nahuli ng kamera ay naiwan sa kanyang puso. “Pero nahuli ng puso.”
Ang kanyang taos-pusong pagbabahagi ay tumimo hindi lamang sa mga netizens kundi pati na rin sa mga tagahanga ng PBB. Marami ang pumuri sa kanyang kababaang-loob at pagpapakatotoo. Sa huli, iginiit niya, “That house gave me peace. It gave me love. It reminded me that I am more than what people say I am.”
Si Jane de Leon ay isang kilalang aktres at modelo na sumikat lalo na matapos gampanan ang iconic role ni Darna sa teleserye ng ABS-CBN. Isa siya sa mga kinikilalang young leading ladies sa showbiz, kilala sa kanyang kahusayan sa pag-arte at pagdadala ng kanyang sarili. Sa kabila ng kanyang kasikatan, nananatiling grounded si Jane, bagay na lalo pang napatunayan sa kanyang karanasan sa PBB.
Kinilig ang mga netizens matapos lumabas ang litrato nina Jane de Leon at Rob Gomez na magkasamang namasyal sa Taiwan. Bagamat walang opisyal na pahayag ukol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, marami ang nagtatanong kung may namumuong espesyal na ugnayan sa pagitan ng dalawa.
Muling humakot ng atensyon si Jane sa social media sa kanyang post kung saan kapansin-pansin ang kanyang expressive eyes. Maraming tagahanga ang humanga sa natural na ganda ng aktres at sa kanyang aura na nag-iiwan ng malalim na impact.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!
Source: Jane de Leon, emosyonal na naglabas ng saloobin matapos ang paglabas mula sa PBB house