Jake Ejercito, umalma sa influencer na nag-video kay Ellie na wala umanong consent

– Inalmahan ng aktor ang umano’y influencer na nag-video ng walang consent kasama ang kanyang anak na si Ellie

– Maituturing na ambush interview umano ang nangyari na tila kapansin-pansin ang naging reaksyon ni Ellie

– Sa naunang post ni Jake, nakiusap itong i-report ang naturang video

– At sa sumunod niyang post, tila pinag-aaralan na niya ang legal action laban sa content creator

Umalma ang aktor na si Jake Ejercito sa content creator na si Crist Briand matapos na mag-video ito kasama si Ellie, anak na Jake na wala umanong pahintulot sa bata o maging sa mga magulang nito.

Jake Ejercito
Jake Ejercito
Source: Facebook

Umani ng matinding reaksiyon mula sa publiko ang ginawa ng nasabing content creator matapos niyang i-upload ang maituturing na ambush interview umano sa 13-anyos na dalagitang anak nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito.

Sa kanyang social media account, mariing tinutulan ni Jake ang nasabing video at agad na nanawagan ng tulong sa publiko upang i-report ito.

Aniya, “This ‘influencer’ filmed Ellie without her consent. She did not want to be in his video—let alone be posted by him. Clout-chasing should never come at the cost of someone’s privacy, especially a minor’s. Please report this reel.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!

Agad namang tumugon ang publiko at na-delete rin ang kontrobersyal na video. Nagpasalamat ang ama ni Ellie sa mga tumulong at patuloy na nananawagan na i-report ang page ng content creator.

“Crist Briand has deleted the video. Thank you to those who reported the video. Please continue reporting the page of this irresponsible clout chaser who ambushed a 13-year-old girl for views. I’m now in the process of exploring legal options,” ani pa niya sa isang update post.

Sa ngayon, hindi pa malinaw kung anong legal na hakbang ang posibleng isampa laban sa nasabing content creator, ngunit malinaw ang posisyon ng ina—na hindi dapat ginagawang content ang mga bata, lalo na kung walang pahintulot mula sa kanila o sa kanilang mga magulang.

Sa isyu ng privacy sa digital age, ito ay isang paalala na ang karapatan ng mga menor de edad ay dapat igalang at protektahan laban sa mga mapang-abusong paggamit ng social media para lamang sa views at kasikatan.

Jake Ejercito, umalma sa influencer na nag-video kay Ellie na wala umanong consent
Jake Ejercito, umalma sa influencer na nag-video kay Ellie na wala umanong consent
Source: Facebook

Si Juan Emilio Ejercito o mas kilala sa screen name niya bilang si Jake Ejercito ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at ni Laarni Enriquez. Siya ang ama ng panganay na anak ni Andi Eigenmann na si Ellie Ejercito. Naging bahagi siya ng ilang mga serye kagaya ng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.) Ngayon, isa sa mga proyektong kinabilangan ni Jake ang ‘Linlang’ at ‘Can’t Buy Me Love’

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nabanggit ni Jake na thankful umano siya kay Philmar Alipayo na bilang stepdad ng kanyang anak na si Ellie. Alam niyang inaalagaan din umano ni Philmar ang kanyang anak. Wala rin umanong reklamo si Ellie pagdating sa kanyang stepdad.

Si Ellie ay ang anak nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito. Matatandaang madalas na kagiliwan ng netizens ang JEllie convos ng mag-ama na animo’y magtropa lamang sa tuwing sila’y nagkukulitan. Sa ngayon, nasa poder ni Jake ang kanyang anak na si Ellie na habang nasa Siargao naman si Andi at mga anak nito kasama ang partner na si Philmar Alipayo. Matatandaan na bago mamalagi si Ellie sa ama kung saan ito nag-aaral na sa ngayon, emosyonal si Andi sa isang video habang ikiinikwento ang kanilang naging desisyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!



Source: Jake Ejercito, umalma sa influencer na nag-video kay Ellie na wala umanong consent