Jak Roberto, Sanya Lopez mourn death of pet dog

Labis na kalungkutan ang nararamdaman ngayon ng magkapatid na sina Jak Roberto at Sanya Lopez dahil sa pagpanaw ng alaga nilang asong si Dani Boy.

Sa Instagram kahapon, November 7, 2024, ibinahagi nina Jak at Sanya ang kanilang saloobin sa pagkamatay ng pinakamamahal na alagang aso.

JAK ROBERTO: “thank you for the happy memories.”

Sa post ni Jak, sinabi ng Kapuso actor na “pinakamasakit at mahirap tanggapin” ang pangyayaring ito sa kanilang buhay.

Ganunpaman, mananatili raw ang kanilang magandang alaala sa kanilang buhay.

Mensahe ni Jak, “Run free Dani Boy (sad face, broken heart emojis)

“Isa sa pinakamasakit at mahirap tanggapin na pangyayari ito. Halos araw-araw ka sa lap ko dati pag nauupo ako.

“Kahit matagal na kita di nahawakan at nakasama sobrang ikinalulungkot ko ito, mahirap pero kailangan tanggapin.

“Mananatili kayo ni Jong-jong sa puso namin, thank you for the happy memories. Our most behave and clingy dog.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Mahal na mahal namin kayo ni Jong-jong (praying hands, rainbow emojis)”

Sa comments section, nagpaabot ng pakikiramay kay Jak ang girlfriend na si Barbie Forteza at ang mga kaibigan niyang sina Luke Conde, Gab Valenciano, at Shaira Diaz.

Jak Roberto sympathies

SANYA LOPEZ: “Ang sakit sakit sobra.”

Labis din daw nasaktan si Sanya sa pangyayari.

Nagpasalamat din siya sa maiksing kailgayahang naging hatid ng alaga noong kapiling pa nila ito.

Mensahe ni Sanya: “My Dani Boy…

“Ang sakit palagi na mawawala nalang silang bigla. Yung di mo alam bakit.. yung akala mo na palagi lang silang nanjan para sayo.

“Pero bigla nalang wala na sila. Ang sakit sakit sobra. Thank you Dani…my little Danaya boy. Thank you for giving us so much love..I love you.

“Run free my Dani boy makakapag laro na ulit kayo ni Jong-jong (hearts, paw prints, rainbow, dog face emojis)”

Sa comments section ay nagpaabot ng pakikisimpatiya sa kanya sina Carla Abellana at Kakai Bautista.

Jak Roberto sympathies