Jak Roberto, nawindang nang tuksuhin ng audience: “Umuwi ka na Barbie!”

  • Viral sa TikTok ang video kung saan binanggit ng audience ang pangalan ni Barbie Forteza habang kumakanta si Jak Roberto ng “Hanggang Kailan” sa Laguna
  • Itinapat ni Jak ang mikropono sa audience ngunit sa halip na ang lyrics ng kanta ay “umuwi ka na Barbie” ang kanilang sinambit
  • Nagulat at natawa si Jak sa reaksyon ng audience habang nagpe-perform siya sa festival
  • Nananatiling tahimik si Jak Roberto tungkol sa breakup nila ni Barbie Forteza noong Enero 2, 2025

Naging viral sa TikTok ang isang video kung saan napaalala kay Jak Roberto ang ex-girlfriend niyang si Barbie Forteza habang nagpe-perform sa isang festival sa Laguna.

Jak Roberto, nawindang nang tuksuhin ng audience: "Umuwi ka na Barbie!"
Jak Roberto, nawindang nang tuksuhin ng audience: “Umuwi ka na Barbie!” (PHOTOS: @jakroberto/Instagram, @judyanndanao9/TikTok)
Source: Instagram

Makikita sa video ang aktor na kumakanta ng “Hanggang Kailan” ng Orange and Lemons sa entablado. Nang dumating ang chorus ng kanta, itinapat ni Jak ang mikropono sa audience upang kumanta. Sa halip na ang lyrics na “umuwi ka na baby” ang kantahin ng mga manonood, “umuwi ka na Barbie” ang sabay-sabay nilang sinambit.

Read also

Pauleen Luna, napahagulgol daw sa witness stand ayon kay Cristy Fermin

Nagulat at natawa na lamang si Jak sa hindi inaasahang reaksyon ng audience. “Ano?” ang natatawa niyang sagot habang patuloy na tinatangkilik ang masiglang tugon ng mga tagahanga.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang noong Enero 2, 2025, inanunsiyo ni Barbie Forteza ang hiwalayan nila ni Jak matapos ang pitong taong relasyon. Sa kabila ng viral video at usap-usapan, nananatiling tahimik si Jak Roberto tungkol sa breakup nila ni Barbie.

Si Barbie Forteza ay isang Kapuso actress na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga seryeng Nita Negrita, The Half Sisters, That’s My Amboy, Inday Will Always Love You, Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, at marami pang iba. Taong 2009 nang pasukin ni Barbie Forteza ang showbiz at ang unang proyektong ibinigay sa kanya ay ang gumanap sa papel na batang Jodi sa local adaptationng sikat na Korean drama na Stairway to Heaven.

Kinaaliwan si Barbie Forteza nang muli siyang maging guest host sa It’s Showtime. Sa segment na Tawag ng Tanghalan, napakanta si Barbie matapos siyang pakantahin ni Vice Ganda ng awiting ‘Meron Ba?’

Opisyal nang pagmamay-ari ng pamilya ni Barbie Forteza ang kanilang bagong tahanan na tinawag nilang “B Casa.” Masayang inanunsyo ng aktres ang milestone na ito sa pamamagitan ng isang post sa social media, kalakip ang mga larawan kasama ang kanyang pamilya habang nag-toast malapit sa kanilang Christmas tree.

Shopping cart