Jackie Forster on Kobe Paras-Kyline Alcantara relationship
Hindi na maitago ng dating aktres na si Jackie Forster ang suporta niya sa anak na si Kobe Paras at rumored girlfriend nitong si Kyline Alcantara.
Sa Instagram kahapon, September 10, 2024, nag-upload si Jackie ng short Reel kung saan makikita rito sina Kobe at Kyline.
Kuha ito sa sinalihang fashion show ng dalawa sa New York Fashion Week
Caption niya, “We are so ready for it! Kobe walking at #NYFW for @milarri_“
JACKIE FORSTER: “so proud of you two”
Isa sa unang nagkomento ay si Kyline.
Tatlong white heart emojis ang kanyang inilagay.
Sagot ni Jackie sa kanya, “sky is the limit for you two! (three white heart emojis)”
Si Kobe naman ang sunod na nagkomento.
Sabi niya sa ina, “ILOVE YOU SO MUCH MAMA”
Tugon ni Jackie, mas mahal niya siyempre ang anak. Ipinagdiinan pa nito ang suporta niya sa dalawa.
Aniya, “I love you more!See!?? It only took me 2 days to make the video e so proud of you two keep pushing pass your comfort zone my beautiful talented boy! Anything is possible”
KYLINE ALCANTARA ON REAL SCORE WITH KOBE PARAS
Kahit marami nang sightings na magkasama sina Kobe at Kyline, hindi pa rin sila umaamin sa totoong estado ng kanilang relasyon hanggang ngayon.
Sa huling panayam kay Kyline ng 24 Oras, ang sinabi lang niya, “I feel like it’s my right to not answer or to answer questions… to deny nor confirm anything.”
Giit ng Kapuso actress, “I don’t need to explain myself din naman po to other people.
“Whatever they see is that’s what they’re gonna get.”
Sapat na raw kay Kyline na ang mga mahahalagang tao sa buhay niya ang tanging nakakaalam ng estado ng kanyang love life ngayon.
Sabi niya, “As long as alam ng pamilya ko at yung mga close kong mga kaibigan, my loved ones, what’s really happening behind cameras…
“I feel like I don’t owe the public any explanation naman po.”