
Ivana Alawi, sinagot na noong 2024 ang alegasyon sa kanila ni Albee Benitez
-Nilinaw ni Ivana Alawi sa isang Facebook post na hindi totoo ang tsismis na karelasyon niya si Bacolod Mayor Albee Benitez
-Ayon sa kanya, matagal na siyang nanahimik ngunit kailangan na niyang magsalita upang maipagtanggol ang sarili at ang kanyang pamilya sa mga maling akusasyon
-Ipinaliwanag ng aktres na nakilala lamang niya si Albee Benitez sa Bacolod noong siya ay nagtungo roon para sa trabaho
-Aniya, naging magalang at maayos ang pakikitungo ng alkalde, at hindi lang naman daw ito ang politikong kanyang naging kakilala
-Binanggit din ni Ivana na mas nasasaktan siya sa pagkakadawit ng kanyang ina at kapatid sa mga paninira kaya umano siya napilitang magsalita dahil sa masasakit na salita na naririnig niya laban kina Mommy Fatima at kay Mona
Matapang na hinarap ng aktres-vlogger na si Ivana Alawi ang mga kumakalat na isyung karelasyon umano siya ng isang politikong may pamilya. Sa isang emosyonal ngunit malinaw na Facebook post noong 2024, sinagot ni Ivana ang mga paratang na siya ay involved kay Bacolod City Mayor Albee Benitez. Nilinaw niyang hindi siya ang nobya ng alkalde at iginiit na wala siyang ginagawang masama.

Source: Instagram
“I tried to stay quiet at dumedma na lang dahil sa paniniwala ko na hindi ako dapat magsalita lalo kapag alam ko na wala akong ginagawang masama,” ani Ivana. Ngunit dahil sa mga masasakit na salita at maling akusasyon na nadadamay pa ang kanyang ina at kapatid, kinailangan na niyang magsalita: “Because of the false accusations and hurtful words that are being thrown [at] my Mom and Mona, kinailangan ko nang linawin ang mga bagay.”
Ayon kay Ivana, nakilala niya si Mayor Albee nang bumisita siya sa Bacolod para sa isang trabaho. “He was very accommodating and friendly. At hindi lang sya ang politikong nakilala ko at naging kaibigan,” paglilinaw pa niya, na nagpapakita ng propesyonal na ugnayan lamang sa pagitan nila ng alkalde.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!
Sa pagtatapos ng kanyang pahayag, ibinunyag ng aktres na may nagpapasaya na sa kanya sa kasalukuyan—isang negosyante na hindi konektado sa politika. “I am currently seeing someone who makes me happy. All I can say is that he is a respectable businessman and not a Politician,” aniya. Dagdag niya, ito na raw ang “first and last time” na magsasalita siya tungkol sa kontrobersiyang ito.
Si Ivana Alawi ay isa sa pinakapatok na aktres at vlogger sa Pilipinas. Nakilala siya sa kanyang mga empowering na roles sa TV, gayundin sa kanyang mga viral YouTube pranks at acts of kindness. Bukod sa kanyang showbiz career, kilala rin siya sa pagiging malapit sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang ina at kapatid na si Mona.
Ipinakita ni Ivana ang kanyang pagiging mapagbigay nang bumili siya ng maraming cellphone na ipamimigay sa mga deserving followers at kababayang walang kakayahang bumili. Marami ang humanga sa kanyang malasakit at walang sawang pagtulong sa iba.
Naging viral ang prank video ni Ivana kung saan nagkunwaring may tampo siya kay Charlie Fleming sa harap ng ilang ex-housemates ng “Pinoy Big Brother.” Naging masaya at good vibes ang kinalabasan ng prank na ikinatuwa ng netizens.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!
Source: Ivana Alawi, sinagot na noong 2024 ang alegasyon sa kanila ni Albee Benitez