
Ivana Alawi, inubos ang Php500,000 sa pagbili ng mga CP na kanyang ipamimigay
– Inubos ni Ivana Alawi ang kanyang Php500,000 upang makabili ng mga cellphone
– Ito ay ang mga smartphones na kanyang pinamimigay sa kanyang mga masuswerteng followers
– Bukod sa mga mga bagong iPhone, mayroon din siyang mga biniling android phone na kanya paring ipamimigay
– Matatandaang noon pa man, likas na matulungin si Ivana at isa siya sa mga personalidad n mabilis rumesponde sa mga kababayang nangangailangan
Hindi na bago sa publiko ang kabutihang loob ng kilalang aktres at vlogger na si Ivana Alawi.

Source: Facebook
Kamakailan, muli niyang pinabilib ang kanyang mga tagahanga matapos ianunsyo na inubos niya ang Php500,000 upang makabili ng mga smartphone na kanya rin namang ipamimigay.
Ang nasabing halaga ay ginamit niya para makabili ng mga brand new iPhone at Android phones na ipamamahagi sa kanyang masusuwerteng followers.
Kasama ang kanyang kapatid na si Mona, sila mismo ang namili ng mga cellphone na siniguro pa ni Ivana na bago at maganda ang kalidad.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!
Masasabing isa rin ito sa kanyang mga paraan upang makapagbigay ng kasiyahan at tulong sa mga taong maaaring nangangailangan ng bagong kagamitan, lalo na sa panahon ngayon na mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na komunikasyon para sa trabaho, pag-aaral, at pang-araw-araw na gawain.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagpakita ng kabutihang loob si Ivana. Matatandaang sa mga nagdaang taon, naging aktibo siya sa pagtulong sa mga kababayan nating nasalanta ng kalamidad at maging noong panahon ng pandemya.
Mabilis siyang kumikilos at nagbibigay ng ayuda sa mga nangangailangan. Sa kabila ng kanyang kasikatan at tagumpay, nananatiling mapagkumbaba si Ivana, at patuloy ang kanyang malasakit sa kapwa.
Marami ang humanga sa aktres dahil sa kanyang pagkukusa at bukal sa pusong pagbibigay, lalo na’t hindi biro ang halaga ng perang kanyang inilaan.
Ipinakita niyang ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa dami ng kayamanan kundi sa kung paano ito ginagamit upang makatulong sa iba.
Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na “StarStruck” sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 19.1 million ang kanyang mga YouTube subscribers. Isa sa mga pinakahuling naging proyekto ni Ivana ay nang maging bahagi siya ng FPJ Batang Quiapo kung saan ginampanan niya ang karakter bilang si Bubbles.
Kamakailan nga ay isa si Ivana sa mga house guest sa Pinoy Big Brother celebrity collab edition ngayong taon. Dahil dito, kasama si Ivana sa makasaysayang edisyon na ito ng PBB kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama ang ilang Kapuso at Kapamilya stars sa loob ng bahay ni Kuya.
Samantala sa kabila ng mga nagiging proyekto niya sa telebisyon kamakailan, hindi pa rin binitawan ni Ivana ang kanyang YouTube channel lalo na at marami ang naaaliw sa kanyang mga vlogs dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad at labis na nangangailangan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!
Source: Ivana Alawi, inubos ang Php500,000 sa pagbili ng mga CP na kanyang ipamimigay