Isinugod sa ospital ang biktima na kinilalang si Francisco Sampan, 60-anyos, na

Isinugod sa ospital ang biktima na kinilalang si Francisco Sampan, 60-anyos, na ngayon ay nagpapagaling. Kinilala ang suspek na si Carlito Aresco, 56, na ang kabuhayan ay paggawa at pagtitinda ng tuba. Pareho silang residente sa Barangay Cantucong.

Sinabi ni Police Captain Jessie Tañola, hepe ng Carmen Police Station, na nag-iinuman ang biktima at ang suspek nang sabihin ng biktima sa suspek na hindi masarap ang kanyang tuba na ikinagalit ng suspek.

Sagot ng suspek, kung hindi nagustuhan ng biktima ang lasa ng kanyang tuba ay huwag na itong bumili sa kanya. Nauwi sa suntukan ang kanilang mainitang pagtatalo kung saan natalo ang suspek at natumba sa lupa.

Nang tumalikod ang biktima, biglang tumayo ang suspek, hinawakan ang kanyang panggapas sa kanyang baywan bago hiniwa ang leeg ng biktima mula sa likuran.

Isinugod ang biktima sa pinakamalapit na ospital para malapatan ng lunas. Samantala, arestado ang suspek at mahaharap sa kasong frustrated homicide.

#PilipinasToday
#Cebu
#Tuba
#WannaFactPH