Isang ‘Senate Assist’ booth ang itinatag sa events venue kasabay ng ‘Lab For All
Isang ‘Senate Assist’ booth ang itinatag sa events venue kasabay ng ‘Lab For All’ program, na kilala rin bilang “Laboratoryo, Konsulta at Gamot para sa Lahat,’ na inisyatibo ni First Lady Liza Araneta upang magkaroon ng access ang mga Cebuano sa medical at social services gamit ang modernong teknolohiya.
Ang Senate Assist ay unang inilunsad sa Tuguegarao City, Cagayan sa pakikipagtulungan ng Senate Spouses Foundation, Inc. at iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, public health institutions at private sector organizations.
Samantala, lubos ang pasasalamat ng mga residente ng Talisay City, Cebu dahil sa tulong na kanilang makakamit mula sa Senate Assist.
Sinamahan ni Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang Unang Ginang sa okasyon.
#PilipinasToday
#CebuCity