Isang kongresista nanawagan na bigyang pansin ang sektor ng palakasan

Inihayag ni Deputy Majority Leader at Ang Probinsyano Party-list Representative Alfred Vargas ang kanyang panawagan sa gobyerno at pribadong sektor na bigyang-pansin ang sektor ng palakasan.

Ayon kay Vargas, mahalaga na ituring ang sektor ng palakasam tulad ng agrikultura, serbisyo, imprastruktura, at marami pang iba.

Ang paglalagay ng mas malaking pondo aniya ay magiging daan para sa pagpapalakas ng ating tagumpay sa Olympics, mga pandaigdigang kumpetisyon, at mga rehiyonal na labanan.

Mahalaga rin ang malalaking pamumuhunan upang matiyak na magagampanan ng mga atleta ang kanilang training at mabigyan sila ng sapat na suporta at disenteng pamumuhay hanggang sa kanilang pagreretiro.