Isang 70 years old na lalaki nagbigti sa Cagayan

Pinaniniwalaan na nagbigti ang isang 70 years old na lalaki sa Barangay Nanarian, Peñablanca, Cagayan.

Sinabi ni PLT Rosemarie Moreno, deputy chief of police ng PNP Peñablanca, agad na pumunta sa lugar ang mga pulis at rescuers nang itawag ng isang concerned citizen ang nakabitin sa poste na si alyas Paul, binata at walang trabaho kahapon ng umaga.

Ayon kay Moreno, gumamit ng hagdan ang lalaki sa kanyang pag-akyat sa isang poste kung saan siya nagbigti gamit ang lubid.

Sinabi pa ni Moreno na mag-isa lang sa bahay ang biktima.

Sa kanilang pagtatanong sa mga kapit-bahay, sinabi ng mga ito na madalas nilang napapansin na malungkot ang lolo at tila may mabigat na problema.