Isa patay, tatlo sugatan sa karambola ng mga sasakyan

Nasawi ang isang senior citizen habang tatlo ang nasugatan sa nangyaring karambola ng tatlong sasakyan sa bayan ng Claveria, Cagayan.

Kinilala ni PMAJ Mario Maraggun, hepe ng PNP Claveria ang namatay na si Juanita Hernandez, 66 anyos, habang ang mga sugatan ay sina Richmond Daet driver ng tricycle, Reloisea Hernandez 38 anyos, Rhia Purgasos, 40 anyos at Khianne Mae Nudalo, menor de edad na pawang mga magkakamag-anak at residente sa Brgy.Culao, Claveria na sakay ng tricycle.

habang ang suspect naman ay si Peter Calumbad na driver ng kotse at residente sa lalawigan ng Apayao.

Lumalabas sa imbestigasyon na pauwi na sana mga sakay ng kotse na minaneho ni Peter Calumpad sa Sta.Marcela, Apayao galing sa Laoag, Ilocos Norte, nang aksidente niyang maapakan ang accelerator ng sasakyan sa halip na magpreno sa pakurbadang bahagi national highway sa Brgy. Dibalio.

Dahil dito, napunta siya sa kabilang linya ng kalsada at nabangga ang tricycle na bumangga naman sa nasa harap na van.

Napag alaman na dadalo sana sa meeting ang mga sakay ng tricyle sa Brgy. Centro nang mangyari ang insidente.