Isa pang Chinese spy, pinagtibay na isang espiya si Alice Guo

Pinagtibay ng isa pang dating spy ng China na isang Chinese spy si dismissed Bamban Mayor Alice Guo.

Kinumpirma ito ng isang Wang Fugui kay Senator Risa Hontiveros.

Subalit, sinabi ni Wang na isang espiya ng China si Guo, ngunit hindi umano siya espesyal.

Si Wang ay dahil kasama sa selda ni She Zhijiang, ang self confessed Chinese spy na isa ring sentro ng isang documentary na inilabas ng Al Jazeera.

Isiniwalat ng Senate panel on women na pinamumunuan ni Hontiveros ang isang zoom interview kay Wang, kung saan inilahad niya ang mga detalye tungkol sa espoinage activities ng China.

Sa interview, tinanong si Wang kung paano niya masasabi na isang spy si Guo.

Sinabi ni Wang na ang nilalaman ng declassified file na itinago ni Mr. She ay marami at ang hawak lamang niya ay bahagi ng file na nasa ilalim ng kanyang authorization.

Ayon sa kanya, si Guo ay espiya ng China, subalit hindi umano siya itinuturing na espesyal.

Sinabi niya na nagkataon lamang na may kopya ng state security background ni Guo sa nasabing file.