Isa nasugatan sa banggaan ng dalawang sasakyan sa Naggulian, Isabela

CAUAYAN CITY- Nagtamo ng minor injuries ang isang indibiduwal sa bangaan ng dalawang SUV sa Barangay San Manuel, Naguilian, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt Mirasol Pelagio, Chief Operations ng Naguilian Police Station sinabi niya na magbaba sana ng pasahero ang tsuper ng SUV nang biglang itong mahagip ng isa pang SUV.

Lumalabas sa imbestigasyon na nakabig ng tsuper ng honda CRV ang manibale na siyang dahilan para mawalan ito ng control at sumalpok sa nakatigil na MUX sa shoulder ng daan bago bumaliktad.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ng Honda CRV ay bumaliktad at pumutok ang airbag na siyang naging dahilan para magtamo ng bali sa kamay ang isa sa mga pasahero.

Sa ngayon ay nasa mabuting kalagayan na ang nasugatan na pasahero at nagkaroon narin ng pag-uusap ang magkabilang panig.