Is this Robi Domingo’s answer to Dennis Trillo’s alleged comment?

Mariing itinanggi ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo na may pinapatamaan siya nang sabihin at idiin niyang may ABS-CBN pa rin.

Sa ginanap na presscon ng Pinoy Big Brother (PBB) Gen 11 nitong Huwebes, July 4, 2024, isa si Robi sa humarap sa press kasama ang co-hosts niyang sina Bianca Gonzalez, Melai Cantiveros, Enchong Dee, at Alexa Ilacad.

PBB Gen 11 hosts
(L-R) Robi Domingo, Melai Cantiveros, Bianca Gonzalez, Alexa Ilacad, and Enchong Dee.

Photo/s: Khryzztine Joy Baylon

Ilan sa mga natanong sa kanila ang tungkol sa talamak na fake audition at casting calls sa PBB na ipinu-post sa social media.

Bagamat naglabas na ng official statement ang ABS-CBN para paalalahanan ang publiko na walang kinalaman ang Kapamilya network sa mga pribadong audition at casting call na mga ito, nahingan pa rin ng komento angPBB hosts, kabilang na si Robi, kung paano sila nakatulong upang sugpuin ang mga mapanlokong netizens online.

Ani Robi, “Maliban sa paggamit ng platform, I guess constant reminder lang for everyone na hindi pa rin nagpapabayad ang ABS-CBN when it comes to all the auditions.

“Walang bayad po mag-audition, lahat ng ito, e, part of in a service of Filipino.”

Bagay na dinugtungan naman ni Bianca.

Saad niya: “Siguro ang simple lang para doon sa makakakita ng post online na may audition daw, kapag hindi kayo sure, i-check niyo muna doon sa official account.

“Usually naman yung official account makakakita kayo ng blue na check. At kung hindi pa rin, magtanong kayo sa ibang tao.

“Kung kung may pinapagawa na sa inyong something na medyo hindi maganda, kapag tinanong mo yon sa ibang tao, makakatulong sila para sabihing hindi yon totoo, fake news.”

Sundot ni Robi: “Yes, tsaka check yung mga television sets, nandun naman. May mga commercial palagi.

“Kasi, kahit anong mangyari, may ABS-CBN pa rin.”

ROBI’S CO-HOSTS REACT TO HIS STATEMENT

Pagkasabing-pagkasabi ni Robi na may “ABS-CBN pa rin” ay agad nag-react ang kanyang mga co-host, maging ang entertainment press na present sa nasabing event.

Hirit ni Bianca, “Meron, Robi?”

Sa puntong ito ay makikita sa mukha ni Robi ang pagkagulat dahil tila hindi niya inasahang tutuksuhin siya sa kanyang naging sagot.

Panunukso kasi ng entertainment editor na si Jun Lalin, “Naku, ikaw Robi ha, headline ka na namin bukas na, ‘Robi, pinalagan ang aktor na nagsabing wala nang ABS-CBN.'”

Kahit na natatawa, agad na dinepensahan ni Melai Cantiveros ang kanyang co-host.

Saad ni Melai, “Sumagot lang naman siya doon sa kuwan, sa legit na mga kuwan.”

Mabilis namang dinepensahan ni Robi ang sarili nang sabihin nitong wala siyang ibig sabihin o gustong patamaan sa kanyang naging pahayag.

Paliwanag niya, “Wala po akong pinaparinggan, sinasagot ko lang po yung tanong.”

Dennis Trillo trends after “May ABS pa ba?” ALLEGED comment

Bago ang naging pahayag ni Robi ay naging usap-usapan sa social media ang naging komento umano ng Kapuso actor na si Dennis Trillo tungkol sa ABS-CBN.

Sa TikTok noong July 1, tinanong ng ilang netizens si Dennis ukol sa hindi pagsama ng asawa niyang si Jennylyn Mercado sa station ID na inilabas ng GMA-7.

Si Jennylyn ay homegrown talent at isa sa itinuturing na big stars ng Kapuso network kaya hindi maiwasang magtaka ang netizens kung bakit wala siya sa nasabing station ID.

Tanong ng isang netizen kay Dennis, “Kuya dennis sana masagot mo ito bakit wala si ma’am Jen sa GMA STATION ID at totoo ba na lilipat na siya sa ABC CBN”

Nakakaintrigang sagot umano ni Dennis: “May ABS pa ba?”

Dennis Trillo's answer to netizen

Noong July 10, 2020, pinatay ng Kongreso, sa ilalim ng administasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang franchise renewal application ng ABS-CBN.

Bunsod nito, tigil-operasyon ang lahat ng television at radio stations na nasasaklawan ng napasong prangkisa ng ABS-CBN.

Tnatayang halos kalahati ng 11,000 empleyado ng kumpanya ang nawalan ng trabaho.

DENNIS’S TIKTOK ACCOUNT HACKED?

Agad na nag-trending sa X (dating Twitter), ang naging sagot umano na ito ni Dennis, kunsaan marami sa netizens ang naghimutok sa tila raw pabalang na sagot ng aktor

Kaagad naman siyang dinepensahan ng kanyang management team.

Ayon kina Jan Enriquez at Katrina Aguila ng Aguila Entertainment, na-hack ang TikTok account ng aktor. Hindi raw si Dennis ang nag-post ng komentong iyon.

Sabi ni Jan, nagti-taping noon si Dennis ng Pulang Araw at limitado ang panahon nitong makahawak ng telepono.

Buong pahayag niya sa X: “We are investigating the situation but do know na hindi po si Dennis yun. He is currently taping for Pulang Araw and have limited access to his phone as per his PA. We advise the public not to jump into conclusions with regard to this incident.”

Sabi naman ni Katrina sa Instagram Story, “Hey guys. How to recover a hacked account on tiktok? Anyone who can help please dm me…”

Kasunod nito ay naglabas din ng opisyal na pahayag ang Aguila Entertainment:

Pahayag nila, “We would like inform the public that Dennis Trillo’s Tiktok account has been hacked around noontime today, July 1, 2024.

“There were some comments made using his nam and we assure everyone that it was not his doing. It is very unlikely of Dennis to make such remarks and he is a person who has nothing but kindness and respectin his heart.

“We are currently fixing the matter to avoid this incident from happening again.
Thank you.”

Is this Robi Domingo's answer to Dennis Trillo's alleged comment?

Photo/s: Screengrab @Instagram

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang direktang pahayag si Dennis tungkol sa isyu.