Is Kim Chiu’s Happier Life Thanks to Paulo Avelino?

Maging ang mga taong malapit sa TV-host actress na si Kim Chiu ay nakakapansin na masaya ngayon ang aktres at tila wala na umano ang bakas ng hiwalayan nila ni Xian Lim.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming netizens ang matinding pinagdaanan ni Kim Chiu nitong nakaraang taon matapos ang biglaang paghihiwalay nila ng kanyang longtime boyfriend na si Xian Lim.

Isa sa mga taong makakapagpatunay kung gaano na kasaya ngayon si Kim Chiu ay ang malapit na kaibigan nito na si Bela Padilla na nakasama ni Kim Chiu sa mga ups and downs nito sa buhay.

Marami naman ang naghinala na isa sa mga dahilan ng kasiyahan ngayon ni Kim Chiu ay walang iba kundi ang lalaking nalilink sa kanya na si Paulo Avelino.

Bukod pa rito, bumubuhos rin ang kanyang biyaya na natatanggap ni Kim Chiu dahil sa kanyang mga natatanggap na projects at endorsements.

Hinala rin ng maraming netizens na may alam ang mga malalapit na kaibigan ni Kim Chiu sa totoong estado nila ni Paulo Avelino.