Ipinunto ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang pagkuwestiyon matapos m

Ipinunto ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang pagkuwestiyon matapos malaman ang plano ng LTO Region 7 na hulihin ang mga motorcycle riders na gumagamit ng improvised o temporary plates simula sa Setyembre 1.

“I question the logic behind apprehending motorcycle riders for not having official license plates when it is the LTO’s responsibility to provide those plates,” pahayag ni Tolentino sa isang panayam sa radyo.

Binanggit din ni Tolentino na umabot na sa mahigit 12 milyon ang backlogs ng LTO na nananatiling nakabimbin simula Pebrero ngayong taon hanggang sa kasalukuyan, at nanawagang hintayin muna ang implementasyon ng batas na inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para isang plaka lang ang dapat gamitin.

“I call upon LTO Region 7 to wait for the President’s signing of the new law. Our motorcycle riders are not at fault here, yet they are the ones being punished,” panawagan pa ni Tolentino.

#PilipinasToday
#FrancisTolentino
#LTO
#WannaFactPH