Influencer Euleen Castro draws flak for “insulting” food review

Nananatiling tahimik ang content creator na si Euleen Castro ilang araw matapos ang kontrobersiyal niyang review sa mga pagkain ng Coffeebreak Café sa Iloilo City.

Dahil dito, nakatanggap siya ng matitinding batikos mula sa netizens at business owners.

May mga panawagan ding ideklarang persona non grata sa Iloilo ang social media influencer na kilala sa bansag na “Pambansang Yobab.”

Nagsimula ang kalbaryo ni Euleen sa pahayag nitong wala siyang nagustuhan ni isa man sa napakaraming pagkain — pastries, pasta, at drinks — na tinikman nila ng kanyang mga kasama sa 20-year-old coffeeshop.

Walang prenong sabi ni Euleen sa kanyang viral video: “Walang masarap, even the drinks, even the lasagna.

“Lahat, tab-ang… Ang dami niyo diyan, walang masarap sa inyo, ni isa, p*t*.”

Tanong pa ni Eunice sa kanyang followers, “Guys, mga taga-Iloilo, saan masarap ang pastries niyo dito?”

Maririnig naman sa background ang tawanan ng dalawa niyang kasama.

Sa caption ay may tila bawi si Euleen (published as is): “Kanya kanya po tayo ng panlasa pwedeng hindi masarap sakin pero sa iba masarap.”

Hanggang ngayon ay hindi pa binubura ni Eunice ang video niyang ito sa TikTok, na at this writing ay mayroon nang 1.9 million views at mahigit 5,000 comments.

Bagamat may disclaimer si Euleen na “kanya kanya po tayo ng panlasa,” hindi maikakailang malaki ang epekto ng kanyang pahayag bilang isang influencer.

Ang TikTok account ni Euleen ay mayroong 3.4 million followers.

@euleenc Kanya kanya po tayo ng panlasa pwedeng hindi masarap sakin pero sa iba masarap ???? #pambansangyobab ? original sound – Euleen Castro

COFFEEBREAK STATEMENT

Nasaktan ang pamunuan ng Coffeebreak sa pahayag ni Euleen, at mararamdaman ito sa kanilang inilabas na pahayag.

Nagulat daw sila sa marahas na pananalita na ginamit ni Euleen sa kanyang review.

Bagamat naiintindihan nilang hindi lahat ay may parehong panlasa, maaari naman daw idaan ang constructive criticism sa marespetong paraan.

Sa loob daw ng 20 taon, ngayon lang sila nakatanggap ng “insulting feedback” mula sa isang customer kagaya ni Euleen.

Kung hindi nagustuhan ni Euleen ang mga tinikman nitong pagkain, sana raw ay sinabi niya ito sa staff nang ma-improve nila ito ayon sa kanyang panlasa.

Buong pahayag ng Coffeebreak: “Thank you for sharing your thoughts Ms. Euleen Castro about your recent visit to Coffeebreak.

“We appreciate all feedback, as it helps us learn and improve.

“However, we were taken aback by the strong and explicit language used in your review.

“While we understand that not everyone will share the same taste, we believe that constructive criticism can always be communicated respectfully.

“We’re proud of the work our team puts into creating a positive experience for every guest, and language that crosses the line can be disheartening — not only to us but to the people who work hard every day to serve our customers.

“Coffeebreak has been serving coffee lovers for 20 years, and while we recognize there is always room for improvement, we’ve never received an insulting feedback such as yours.

“If you had shared your concerns with our staff during your visit, we would have been more than happy to enhance your food or drinks to your liking. We truly value guest satisfaction and do our best to accommodate preferences whenever possible.

“And we will remain committed to providing a warm, satisfying experience to every guest — and to continuously grow from feedback shared with sincerity and RESPECT.”

coffeebreak statement

Marami ang nagpahayag ng suporta sa pamunuan ng Coffeebreak.

Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay marami ang kinokondena ang ginawa ni Euleen, kabilang ang mga opisyal ng Iloilo gaya ni Mayor Jerry P. Treñas.



Source: Influencer Euleen Castro draws flak for “insulting” food review