Indie actress Uzziel Delamide passes away

Pumanaw na ang indie actress na si Uzziel Delamide.

Kinumpirma ng ilang kaibigan at nakatrabaho ni Uzziel sa industriya ang malungkot na balita sa pamamagitan ng pagpu-post nila ng kanilang pakikiramay sa social media.

Wala pang detalye kung kailan at ano ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

UZZIEL DELAMIDE AS AN ACTRESS

Kabilang sa nagbigay-pugay kay Uzziel ay ang direktor at film producer na si Chris Cahilig, festival director ng Puregold CinePanalo Film Festival.

Dalawang proyekto ni Uzziel ang naging kalahok sa CinePanalo — ang full-length feature film na A Lab Story (2024) at ang short film na Uwian (2025).

a lab story poster

Mensahe ni Direk Chris: “Simula nang mapanood ko ang offline edit ng A Lab Story, buo na ang paniniwala ko sa husay ni Uzziel Delamide sa pag-arte.

“Mas lalo akong nabilib sa kanyang performance sa Uwian kung saan s’ya nanalo ng Best Supporting Actress para sa student shorts category ng Puregold CinePanalo.

“Simula lang sana ang Si Sol At Si Luna sa napakarami nating mga proyekyong gagawin. Gustong-gusto namin na lahat di ka lang magaling na aktres, isa ka rin sa nagbibigay-saya sa set.

“Paalam, Uzziel… Nakakabigla ang iyong paglisan.

“Hinding-hindi ka namin makalilimutan…”

Sa A Lab Story, gumanap si Uzziel bilang isang teenager na Aeta na sumali sa quiz bee.

Para naman sa kanyang pagganap sa Uwian, nanalo si Uzziel ng Best Supporting Actress sa CinePanalo.

Ang Si Sol At Si Luna ay digital series na pinagbibidahan nina Jane Oineza at Zaijian Jaranilla. Nagsimula itong ipalabas sa YouTube kahapon, May 31, 2025.

Ginagampanan dito si Uzziel ang papel ng kaibigan ni Zaijian, na gumaganap naman bilang ang bidang si Sol.

uzziel delamide si sol at si luna

Uzziel Delamide as Claudine in Si Sol At Si Luna.

Nagpaabot din ng pakikiramay sa Facebook ang direktor na si Jason Paul Laxamana.

Si Jason ang direktor ng Cinemalaya 2016 film na Mercury is Mine, kung saan gumanap si Uzziel bilang anak ng karakter ng bidang si Pokwang.

Ang Mercury is Mine ang unang film credit ni Uzziel.

UZZIEL DELAMIDE AS A FRIEND

Nagbalik-tanaw ang malapit na kaibigan ni Uzziel na si Maria Kydylee Torato, short film writer-director, sa magandang pinagsamahan nila ng pumanaw na aktres.

Lahad niya: “It’s my first time losing a very close friend, and I still can’t believe it’s you.

“Where do I even begin?

“I can still remember the first time I saw you. It was through an audition video you sent for my film Bisan Abo, Wala Bilin. I was struck by your performance kasi ang galing mo. But unfortunately, you didn’t get the role because you looked too young to play a mother.

“But that didn’t stop us from becoming friends. We bonded instantly because we both came from the same province. As a fellow Capizeña, you made me feel like I wasn’t alone—that someone from our hometown was out there, shining brightly on stage and on screen. You made me believe that it was possible for someone like us to take up space in this industry.

“My best memory about you was when you’d always invite me to your shows in Manila. Lagi kang nangungulit, asking if I’d be visiting so you could add me to your guest list. You wanted me there, cheering you on, witnessing your brilliance firsthand. I regret not being able to say yes more often.

“Your sudden passing feels like an unexpected curtain call for an actress who was still in the middle of her most brilliant performance—so young, so talented, with so much more to give.

“I miss you already, dai. Rest easy, Uzziel. Let’s make more films in heaven soon.”

Bukod sa mga pelikula, nahasa rin ang husay ni Uzziel sa pag-arte sa pamamagitan ng teatro.

Tampok siya sa Sidhi’t Silakbo ng Dulaang UP noong July 2024, at kasama rin siya sa cast ng Bar Boys: A New Musical ng Barefoot Theatre Collaborative noong October 2024.

Source: Indie actress Uzziel Delamide passes away