Inang umano’y lulong sa online sugal, inundayan ng saksak ang sariling anak

– Inaresto ng mga pulis sa Muntinlupa City ang isang ina matapos umano nitong saksakin ang kanyang sariling anak sa gitna ng isang mainit na pagtatalo tungkol lamang sa Wi-Fi password ng kanilang bahay

– Lumabas sa imbestigasyon na pinalitan ng anak ang Wi-Fi password upang hindi makagamit ng internet ang ina na umano’y matagal nang nalulong sa online sugal, dahilan ng matinding pagtatalo sa pagitan ng mag-ina

– Ayon sa mga awtoridad, pinagbalingan ng ina ang isa pa niyang anak nang hindi niya makuha ang password, kaya’t napilitang umawat ang biktima at dito na raw naganap ang pananaksak gamit ang matalim na bagay

– Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 7610, na naglalayong bigyan ng espesyal na proteksyon ang mga kabataan laban sa anumang uri ng pang-aabuso, lalo na sa loob ng mismong tahanan

Isang insidente ng karahasan sa loob mismo ng tahanan ang gumulat sa mga residente ng Muntinlupa City matapos arestuhin ng pulisya ang isang ina na sinasabing sinaksak ang sariling anak dahil sa simpleng alitan sa Wi-Fi password. Ayon sa ulat ng Manila Bulletin noong Sabado, Mayo 24, 2025, lumalabas na sa isang mababaw na usapin nag-ugat ang kaguluhan—pero nauwi ito sa duguang trahedya.

Inang umano'y lulong sa online sugal, inundayan ng saksak ang sariling anak
Inang umano’y lulong sa online sugal, inundayan ng saksak ang sariling anak (📷Pexels)
Source: Facebook

Nag-ugat ang away nang lapitan ng ina ang isa pa niyang anak para humingi ng Wi-Fi password. Ngunit ang biktima raw ang tanging may alam nito at sadyang pinalitan ang password upang hindi magamit ng kanilang ina, na umano’y lulong na sa online sugal. Nainis umano ang ina sa nangyari at pinagbalingan ang anak, dahilan para makialam ang biktima. Dito na raw siya inundayan ng saksak ng sariling ina, na nagtamo ng sugat sa kanyang kanang braso.

Agad namang rumisponde ang mga awtoridad at naaresto ang suspek na kasalukuyang nakakulong. Sasampahan siya ng kaso sa ilalim ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, na naglalayong protektahan ang kabataan laban sa karahasan at kapabayaan, kahit pa mula ito sa sariling pamilya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa nakalipas na ilang taon, mas lalo pang lumaganap sa bansa ang online sugal, lalo na sa panahon ng pandemya. Maraming Pilipino ang nahumaling dito bilang pampalipas-oras o alternatibong pagkakakitaan, pero sa kasamaang-palad, may ilan ding hindi na nagawang kontrolin ang kanilang pagkahumaling. Sa mga kasong ito, kadalasang naapektuhan hindi lang ang pinansyal na estado ng isang pamilya kundi maging ang mental health at relasyon sa loob ng tahanan. Sa malalalang sitwasyon, nauuwi pa sa mga krimen gaya ng pananakit at pagnanakaw.

Isinalaysay ni Lars ang kanyang mapait na karanasan sa online sugal kung saan naubos ang kanyang ipon na umabot sa ₱5 milyon. Aniya, nagsimula lang siya sa maliliit na pusta ngunit unti-unting lumaki ang kanyang pagkatalo. Humantong ito sa depresyon at pagkasira ng kanyang relasyon sa pamilya.

Isang babae ang binaril umano ng kanyang kaibigan habang abala silang naglalaro ng online sugal sa kanilang tahanan. Ayon sa mga imbestigador, selos at alitan sa pera ang tinitingnang motibo. Isa na naman itong patunay ng panganib na kaakibat ng pagkaadik sa online sugal.



Source: Inang umano’y lulong sa online sugal, inundayan ng saksak ang sariling anak