Inakusahan ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro si

Inakusahan ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro si Vice President Sara Duterte sa pag-abandona sa Department of Education (DepEd) sa kalagitnaan diumano ng krisis na nararanasan sa ahensiya at sasaluhin ng kanyang kapalit bilang kalihim ng kagawaran na si dating Senador Sonny Angara.

“Iniwanan kayo ng nakaraang administration ng ganitong problema, ngayon ‘yung mga teachers talaga natin problematic dito, sobrang pahirap itong MATATAG curriculum,” pahayag ni Castro sa pagdinig ng House Committee on Appropriations na pinamumunuan ni Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co sa panukalang 2025 P793.18 bilyong budget para sa DepEd.

Matatandaan na nagbitiw si Duterte bilang DepEd secretary noong Hulyo 19.

Binatikos ni Castro si Duterte sa kanyang MATATAG curriculum program dahil pinahaba nito ang teaching load ng mga guro sa pito hanggang walong oras na pagtatrabaho kada araw kung saan ang bawat isang klase ay tatagal ng 45 minuto.

“Talagang minaximize ang 6 hours,” ani Castro.

Dahil dito, umapela ang ACT Teachers solon na rebisahin ang MATATAG curriculum ni Duterte dahil ito diumano ay minadali ng dating liderato ng DepEd kaya maraming butas sa pagpapatupad ng programa.

Castro urged an immediate review of the MATATAG curriculum, noting that its implementation was rushed and problematic.

“Iniwanan kayo ng nakaraang administration ng ganitong problema, ngayon ‘yung mga teachers talaga natin problematic dito, sobrang pahirap itong MATATAG curriculum,” she said.

The party-list lawmaker also highlighted serious issues raised in the Commission on Audit (COA) report regarding DepEd’s Computerization Program (DCP).

“Medyo mahalaga sa akin ito, Madam Chair and Mr. Secretary, dahil gusto natin mabigyan ng laptop, mga computer ang ating mga teachers,” Castro noted, citing the COA’s findings on delays, non-delivery, and inefficiencies within the program, particularly the mishandling of DCP packages.

Moreover, Castro expressed concerns about unpaid remittances totaling over P5 billion to various entities, including the Bureau of Internal Revenue (BIR), Government Service Insurance System (GSIS), Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), and Pag-IBIG Fund.

#PilipinasToday
#VPSaraDuterte
#SaraDuterte
#Duterte
#FranceCastro