INA NI CHLOE NAGSALITA NA!!! Sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Jame

INA NI CHLOE NAGSALITA NA!!!

Sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. James Mark Ciudadano inilabas ang pahayag ng nanay ni Chloe ang kanyang saloobin. May ipanakita rin na SPA para patunay na nanggaling ito sa nanay ni Chloe na si Maria Fe San Jose.

Narito ang pahayag ng abogado ni Maria Fe San Jose sa wikang Tagalog.

“Si Marie, ang kanyang ina, sa mahabang panahon ay piniling manahimik upang mapanatili ang kapayapaan at hindi na masangkot sa mga isyu. Gayunpaman, dahil sa maraming mga post na naglalaman ng maling impormasyon at mga larawan ng kanyang menor de edad na mga anak na ipinopost online nang walang pahintulot niya, lubos itong nakaapekto sa kanya at sa kanyang pamilya, lalo na sa emosyonal na aspeto.”

“Totoo, bago pa man magkakilala sina Carlos at Chloe, si Marie [ang aking kliyente] at si Chloe ay mayroon nang hindi pagkakaunawaan dahil sa magkaibang pananaw ukol sa pagpapalaki kay Chloe noong siya ay menor de edad pa.”

“Nagsimula ang alitan, gaya ng sinabi ko, noong si Chloe ay menor de edad pa, ilang taon bago siya mag-18.”

“Pinipilit ni Chloe ang kanyang paraan, at ang aking kliyente, na nanatiling pahalagahan ang Pilipino, bilang isang protektibong ina at iniisip ang mabuti para kay Chloe, ay hindi sya sumang-ayon sa gusto ng anak. Ang madalas na banggaan ng mga magkaibang ideya ang nagdulot ng hindi pagkakaintindihan.”

“Tungkol sa umano’y kasong isinampa ni Chloe laban sa aking kliyente, hindi ito totoo. Hindi nagsampa ng kaso si Chloe laban sa aking kliyente.”

Source: Atty. James Mark Ciudadano

#chloesanjose #CarlosYulo

Photo: Maria Fe San Jose