Ilang turistang Pinoy, sangkot sa shoplifting sa Hong Kong

  • Nagbigay ng babala ang Philippine Consulate General sa Hong Kong laban sa pagtaas ng mga kaso ng shoplifting mula Enero hanggang Mayo 2024
  • Ayon sa ulat, may mga Pilipinong turista na nasangkot sa mga kaso bilang suspek o biktima
  • Tumaas ng 12% ang kaso ng shoplifting kumpara sa parehong panahon noong 2023 ayon sa Hong Kong Police Force
  • Pinaalalahanan ang mga Pilipinong turista na sumunod sa batas ng Hong Kong at mag-ingat sa kanilang mga gamit

Naglabas ng advisory ang Philippine Consulate General sa Hong Kong kaugnay ng pagtaas ng kaso ng shoplifting mula Enero hanggang Mayo 2024, ayon sa ulat ng mga awtoridad ng Hong Kong. May mga kasong kinasasangkutan ng mga Pilipinong turista, alinman bilang suspek o biktima, batay sa ulat ng konsulado.

Ilang turistang Pinoy, sangkot sa shoplifting sa Hong Kong
Ilang turistang Pinoy, sangkot sa shoplifting sa Hong Kong (PHOTO: Pixabay)
Source: Original

Ayon sa datos ng Hong Kong Police Force, tumaas ng 12% ang mga insidente ng shoplifting sa parehong panahon kumpara noong 2023. Kaugnay nito, pinaalalahanan ng konsulado ang mga Pilipinong turista na sumunod sa mga lokal na batas at mag-ingat sa kanilang mga gamit habang naglalakbay.

Read also

Softdrink Beauties, muling nagkasama-sama sa paggunita ng ika-40 taon ng pagkamatay ni Pepsi Paloma

Binigyang-diin ng konsulado na ang shoplifting ay may kaakibat na mabigat na parusa sa ilalim ng Hong Kong Theft Ordinance, kabilang ang multang salapi at/o pagkakakulong nang hanggang 10 taon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang advisory ay inilabas noong Enero 13, 2025, bilang gabay at paalala para sa mga Pilipinong nagbabalak magtungo sa Hong Kong para sa kanilang bakasyon.

Isa ang Hong Kong sa mga pangunahing destinasyon ng mga Pilipino tuwing bakasyon dahil sa taglay nitong modernong lungsod, shopping districts, at tanyag na atraksyon tulad ng Disneyland at Victoria Peak. Taun-taon, libo-libong Pilipino ang bumibisita sa Hong Kong, kabilang ang mga OFW na bumabalik upang makasama ang kanilang mga pamilya, gayundin ang mga turistang nagnanais makaranas ng iba’t ibang aktibidad sa internasyonal na siyudad na ito.

Sa ibang ulat, nadurog ang puso ng marami sa sinapit ng OFW na si Rose Suarez na biglang nawalan ng trabaho nang humiling lamang siya ng ‘rest day.’ Nalaman ng KAMI na apat na buwang walang day off si Rose. Sa kabila nito, hindi naman siya nagreklamo at patuloy na nagtrabaho.

Read also

Darryl Yap, binahaging tapos na nilang gawin ang TROPP

Samantala, kahanga-hanga ang kasipagan ng overseas Filipino worker na ito sa Hong Kong na nakapagpundar na ng ari-arian sa loob ng apat na taon. Bagaman at matagal na panahon na siyang nangingibang bansa, masasabi niyang sinuwerte siya sa Hong Kong at doon siya nagkaroon ng mababait na amo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!

Shopping cart