Iginiit ni Senate Majority Leader Francis Tolentino sa Department of Budget and

Iginiit ni Senate Majority Leader Francis Tolentino sa Department of Budget and Management (DBM) na gawan ng paraan ang paglikha ng Sulu transition fund upang mapondohan ang pagpapatuloy ng serbisyo para sa mamamayan ng lalawigan nito at maiwasan ang fiscal problems, kasunod ng paghiwalay ng Sulu sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM), base sa desisyon kamakailan ng Supreme Court (SC).

“Perhaps all of you are aware of the SC decision. Let your creative juices out of your mind to perhaps create a Sulu transition fund, at least for the major agencies or departments,” pahayag ni Senator Tol sa budget briefing ng panukalang P281.32-bilyon 2025 budget ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga kalakip nitong ahensiya nitong Setyembre 19.

Ipinunto ni Senator Tol ang mga kasalukuyang problema sa pananalapi ng tanggapan ng Sulu sa BARMM, kung saan nagkakaroon na ng kakulangan sa pampasuweldo ng mga manggagawa, operasyon at gamit ng lokal na pamahalaan nito, kabilang ang rental, utility, at ng polisya, na hindi kayang saluhin ng pamahalaang panlalawigan.

“How all of you can contribute, carve out something from your budget allocation for a Sulu fund. It’s small but when you put it all together, it will be a big help,” dagdag pa ni Senator Tol.

Tiniyak naman ng DBM na ginagawa nito ang lahat ng makakaya upang solusyonan ang problema sa budget ng Sulu, at mabigyan ng alokasyon na pondo ang mga opisina ng lalawigan.

#PilipinasToday
#FrancisTolentino
#TOL
#WannaFactPH