
Ice Seguerra refutes pregnancy rumor
Hindi totoong buntis ang OPM singer at transgender man na si Ice Seguerra.
Ito ang nilinaw ni Ice makaraang may lumabas na litrato nila ng asawang si Liza Diño na nagsasabing nagdadalantao raw ang singer.
Maraming netizens ang agad itong pinaniwalaan, dahil bukod sa litrato nila ni Liza ay may kalakip na sonogram ang kumalat na post.
Bago pa patuloy na paniwalaan ang maling impormasyong iyon, pinabulaanan ni Ice ang balitang buntis siya.
Sa Facebook nitong Miyerkules, May 14, 2025, ipinost niya ang screenshot ng kumakalat na post. Nilapatan niya ito ng salitang “FAKE NEWS!”
Hirit pa niya, belly fats lang ang mayroon siya.
Mababasa sa kanyang caption (published as is), “HINDI PO AKO BUNTIS!!! Bilbil lang po ito. #FakeNewsAlert.”
ICE’S PREVIOUS PREGNANCY RUMORS
Hindi ito ang unang pagkakataong pabulaanan ni Ice ang maling impormasyong siya ay buntis.
Noong 2019 naintriga na rin siya nang may lumabas na tweet sa X (dating Twitter) na nagsasabing siya ay nagdadalantao.
Sabi rito: “OMG! Shocking! Aiza Seguerra is PREGNANT after Many Years Wife Liza Seguerra REVEALED!
“How Aiza Seguerra and Liza Dino seguerra made it possible to have a baby?
“Daming negative comments! PANOORIN DITO.”
Sa halip na mainis, idinaan na lang sa biro ng singer-actor ang kanyang reaksiyon sa maling balita tungkol sa kanya nang ipost niya ito sa Instagram.
Sabi ni Ice, “Ayos! May excuse na ako kung bakit ako mataba. [face with tears of joy emoji] #kahitakonashock”
ICE-LIZA’S BABY PLAN VIA IVF
Samantala, bukas sa pagsasabi si Ice at asawang si Liza na pangarap nilang bumuo ng pamilya.

Photo/s: @lizadino Instagram
Dati nang naiulat ang plano nilang makabuo ng anak via IVF, o in-vitro fertilization.
Ang IVF ay assisted reproduction medical procedure, kunsaan kumukuha ng egg cells mula sa ovary ng isang babae at saka ipagsasama ito sa sperm ng lalaki sa isang laboratory.
Kapag na-fertilize na ang pinagsamang egg cells at sperm, ito ay kailangang maipunla sa uterus ng babae o ng surrogate mother na siyang magdadala ng bata sa sinapupunan nito.
Sa kaso ng mag-asawang Ice at Liza, si Liza ang tatayong surrogate mother habang ang eggs naman ay nagmula kay Ice.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Liza noong February 2022 ay ipinagtapat nitong nakahanap na sila ng sperm donor.
Paglahad niya: “Hindi na ako bata. Inabot na tayo ng ilang ano… kita mo tumaba na ako.
“And yun nga, sana maano namin, ma-process namin yung kailangang gawin para maka-IVF na kami. Marami rin kasi ang naging restrictions dito in terms of the process, para magawa yung proseso.”
“Kailangan na lang magtagpo. Kailangang magtagpo nung donor at nung mismong… kailangan yung phase noong process ng IVF.
“So, it’s either from the US dadalhin sa Malaysia yung sperm para ma-fertilize sa frozen egg ni Ice para maging embryo siya.
“Or kung hindi sa Malaysia…. yung egg ni Ice yung pupunta ng, dadalhin sa US for the process. So, yun iyong dalawa lang yun.”
Ilang beses nang plinano iyon ng couple, pero ipinagpapaliban nila dahil sa mga kunsiderasyon nila sa trabaho.
Source: Ice Seguerra refutes pregnancy rumor