Ice Seguerra Calls Out Francine Diaz Over Orange and Lemons Singit Controversy!

Nagbigay ng saloobin ang singer na si Ice Seguerra patungkol sa pinag-uusapan ngayon singitan issue sa pagitan nina Francine Diaz at bandang Orange and Lemons na parehong performer sa isang LGU event sa San Jose, Occidental Mindoro.

Sa ibinahaging komento ni Ice Seguerra mababasang kinakampihan niya ang bandang Orange and Lemons. Tila sinupalpal niya si Francine Diaz sa biglaang pagsingit nito sa kabila ng kaalaman na huli siyang magperform sa stage.

Inilathala rin ni Ice Seguerra ang kanilang mga katanggap-tanggap na dahilan sa pagpapalit ng slot para sa isang event.

Hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinag-uusapan sa social media ang nangyari sa isang event sa San Jose, Occidental Mindoro kung saan makikita ang biglaang pagtawag kay Francine Diaz para magperform sa stage gayung naghahanda na ang bandang Orange and Lemons sa kanilang performance.

Lumabas na rin ang program ng nasabing event kung saan makikitang talagang mauuna ang performance ng Orange and Lemon kaysa kay Francine Diaz na pang-finale sana sa nasabing event.

Sa naging pahayag ni Ice Seguerra, ipinaalam niya sa lahat ang mga dahilan kung kailan lamang maaring magbago ang line up ng mga pagtatanghal at ang mga valid na dahilan para paunahin ang ibang mga artista na mag-perform.

Iginiit din niya ang pagkakamali kung saan hindi muna inabisuhan ng mga organizers o ng panig ni Francine Diaz ang banda sa pagsingit ng aktres kaya naman pakiramdam ng mga ito na sinasagot sila at inagawan ng limelight.

Lumalabas rin umano na may pinapanigan ang mga organizers sa nangyari.

Narito ang buong pahayag ni Ice Seguerra, Unang-una, hindi dapat magpapalit ng line-up kapag nakapwesto na yung performer sa entablado. That is very disrespectful to the artist.

“Kung kailangan mang magkapalit, it should’ve been communicated to the artist na kailangan mag-iba ng slot few numbers before them going up on stage.

“Changing line ups should only happen during cases of emergency or crucial situation. For example, emergency ;nadulas si artist, nabalian ng buto, kailangan dahil sa ospital.Then, yes kailangan mag move ng slots.

“Crucial situations: typically technical problems or any crisis backstage na kailangan mabigyan ng mas maraming oras ayusin hence, ibang artist muna isasalang.”

Iginiit din ni Ice Seguerra na hindi kabilang sa kanyang mga nasabi ang sakit ng ulo.

Bagama’t hindi naman umano makikita sa clip ang kabuuang nangyari mahihinuha naman umano sa reaksyon ng banda na hindi sila inanabihan bago ang pagsalang ni Francine Diaz.

Gayunpaman, iginiit ng maraming fans ng aktres na hindi nito kasalanan ang nangyari kundi sa mga organizer ng nasabing event dahil obligasyon nilang sabihan ang Orange and Lemons na sila na lang ang gawing finale hindi si Francine Diaz dahil matagal na itong naghihintay na makapag-perform.

May mga nagsasabi pa na naging bias ang pahayag na ito ni Ice Seguerra dahil pareho silang musician ng Orange and Lemons.