Ibinasura ng Timor-Leste Court of Appeals ang mosyon ng pinatalsik na Negros Ori

Ibinasura ng Timor-Leste Court of Appeals ang mosyon ng pinatalsik na Negros Oriental 3rd District congressman na si Arnolfo “Arnie” A. Teves Jr. laban sa extradition proceedings upang maibalik siya sa Pilipinas at harapin ang kanyang mga kaso, inanunsyo ng Department of Justice (DOJ) nitong Miyerkules, Agosto 28.

Inihayag ito ni Remulla matapos makatanggap ang DOJ ng opisyal na update mula sa Timor-Leste Prosecutor General hinggil sa pagbasura sa motion for reconsideration ni Teves sa Court of Appeals ng bansa.

Sinabi rin ni Remulla na magbibigay ito ng karagdagang detalye tungkol sa desisyon. Si Teves, na binansaggang ‘terrorist’ ng Anti-Terrorism Council (ATC) noong nakaraang taon, ay nahaharap sa patung-patong na kasong pagpatay, kabilang si dating governor Roel Degamo noong Marso 2023, at iba pang kalaban niya sa pulitika sa Negros Oriental.

#PilipinasToday
#ArnieTeves
#TimorLeste
#WannaFactPH