Ibinasura ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 206 ang motion for rec

Ibinasura ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 206 ang motion for reconsideration na inihain ng prosecution sa desisyon ng korte na katigan ang demurrer to evidence ni dating Justice secretary Leila de lima, dahilan upang ma-dismiss ang panghuling kaso laban sa kanya na may kaugnayan sa illegal drugs.

“Having failed to cite any instance of grave abuse of discretion on the part of the Court, which is the only thoroughfare to vacating a judgment of acquittal, there is therefore no reason for this Court to reconsider its order,” nakasaad sa desisyon na nilagdan ni Presiding Judge Gener Gito at may petsang Agosto 7.

Si de Lima ay inakusahang tumanggap ng suhol mula sa mga drug lords na nakapiit sa New Bilibid Prison (NBP) noong siya ay kalihim pa ng Department of Justice (DOJ), dahilan upang siya ay sampahan ng tatlong magkakahiwalay na drug cases.

Subalit siya ay unang pinawalang sala ng korte ng Muntinlupa RTC Branch 205 sa isa sa tatlong drug case noong Pebrero 2021 dahil sa kakulangan ng ebidensiya na magdidiin sa kanya.

Noong Mayo 2023, ibinasura naman ng Muntinlupa RTC Branch 204 ang pangalawang kaso laban kay De Lima at Ronnie Dayan matapos mabigo ang prosekusyon na patunayan ang kanilang pagkakaugnay sa illegal drug syndicate.

#PilipinasToday
#LeilaDeLima