HUMINGI NG TUBIG, PERO CHICKEN JOY ANG NATANGGAP Viral ang isang kwento ng isang
HUMINGI NG TUBIG, PERO CHICKEN JOY ANG NATANGGAP🥹🫶
Viral ang isang kwento ng isang customer patungkol sa isang Supervisor sa pinagkainan nitong sikat na fast food restaurant.
Ito’y matapos masaksihan nito ang kabutihan ng puso ng supervisor na nakilala lamang sa pangalang “Khel” sa isang lalaking humihingi lang sana ng basong tubig. Narito ang kabuuan ng post nito.
“June 22, Thursday, 9:50 PM, sa Jollibee – Riverbanks, North Triangle, Marikina City, naganap ang isang di inaasahang tagpo na umantig sa aking puso.
Sa gitna ng gabi, pumasok si Tatay, humihingi ng tubig. Naka-dalawang baso pa nga siya, kitang-kita ang uhaw na uhaw na itsura. Tinanong siya ng supervisor kung kumain na ba siya. Malinaw na gutom na gutom si Tatay. Tinitingnan ko siya habang kumakain, dalawang rice at dalawang chicken ang naubos niya—isang spicy at isang regular.
Tahimik akong kumuha ng ilang litrato, siniguradong walang makakahalata. Nakangiti ako habang pinagmamasdan si Tatay, tila naging masaya ang kanyang gabi. Sa Jollibee, talaga namang bida ang saya.
Sa nametag ng supervisor, nakita kong “Khel” ang nakasulat. Malabo ang aking mga mata kaya halos sumampa na ako sa counter para lang mabasa. Hindi ko na tinanong pa ang crew, baka isipin nilang may reklamo ako.
Napagtanto ko na ang kabutihan, kahit simpleng pagtanong o pagbibigay, ay walang kapalit na halaga. Ang tunay na kabutihan ay ginagawa ng pusong wagas at nagmumula sa kalooban. Ang ganitong mga simpleng bagay ang nagpapakita na ang kabutihan ay tunay na isang mahalagang katangian ng isang tao. 🤍”
Ctto