How did Jak Roberto react to crowd shouting ex-GF Barbie’s name?

Natawa na lang si Jak Roberto nang isigaw ng mga manonood ang pangalan ng kanyang ex-girlfriend na si Barbie Forteza sa isa niyang provincial gig noong January 14, 2025.

Sa isang viral video sa Tiktok, makikita ang Kapuso actor na kumakanta sa stage para sa Coco Festival ng San Pablo, Laguna.

Maaliwalas ang aura ni Jak habang inaawit ang kantang “Hanggang Kailan” ng bandang Orange and Lemons.

Sa chorus ng kanta ay itinapat ng sexy actor ang mikropono sa audience.

At sa halip na ang lyrics na “umuwi ka na baby” ang kinanta ng audience ay “umuwi ka na Barbie” ang kanilang isinigaw.

Hindi naman nagkomento si Jak maliban sa napasigaw siya ng “Ano?”

Maaalalang opisyal na isinapubliko ni Barbie ang breakup nila ni Jak sa pamamagitan ng isang Instagram post noong January 2, 2025.

Si Jak ay nanatiling tikom-bibig hinggil dito.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Tumagal ang relasyon nila ng pitong taon.

Samantala, thankful si Jak sa kanyang naging guesting sa Coco Festival, lalo pa’t siya ay lumaki sa Laguna.

“Dream come true makapagperform sa Coco Festival ng San Pablo City, I remembered those days na nagjjeep pa ako from Nagcarlan makapunta lang sa masayang Festival na ito!

“Di ako makapaniwala na darating ang araw na isa na ako sa magpperform dito!

“Maraming salamat sa mainit na pagtanggap San Pablo City! I love you all!” saad ng post ni Jak sa kanyang Instagram page noong January 16, 2025.

Shopping cart