Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. ang mga lokal na pamahalaa
Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. ang mga lokal na pamahalaan sa buong bansa na paigtingin ang kampanya laban sa mpox at iba pang sakit.
Binigyang-diin ni Marcos ang pag-iwas sa paglangoy sa mga baha at pag-uugali ng tamang personal hygiene upang mapigilan ang pagkalat ng leptospirosis, mpox, at iba pang mga sakit.
Binanggit din ng Pangulo ang KALINISAN Program sa pangunguna ng Department of the Interior and Local Government (DILG), na layong maisaayos ang pagtatapon at pamamahala ng basura upang matiyak ang malinis, malusog, at ligtas na kapaligiran para sa publiko.
#PilipinasToday
#PBBM #BBM
#FerdinandMarcosJr
#MPox