Hindi totoo ang balitang buntis si Kathryn Bernardo.

Kaagad na sinagot ng ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo ang mga balitang kumakalat ngayon sa mundo ng showbiz na umano’y nagbubuntis ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo kaya umalis ito sa bansa. Kasunod ng balitang nagpunta sa Canada ang aktres na si Kathryn Bernardo, naglabasan naman ang mga bali-balitang nagbubuntis ito kaya naman, pinaalis na muna nila ito sa bansa para magpalipas ng panahon hanggang sa manganak na ito. Alam din umano ito ni Daniel Padilla kaya naghiwalay na muna ang dalawa.

May mga haka-haka na kumalat ngayon sa kanilang social media platform na umano’y hindi totoong naghiwalay sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ipinalabas lamang nila ito para makaalis si Kath sa bansa at magpanggap na magmomove on kahit ang totoo ay nagbubuntis lamang ito. May mga naghinala pa na tiyak umanong palihim na susunod ang aktor na si Daniel Padilla sa Canada para alagaan si Kath.

Samantala, kaagad namang pinabulaanan ng mismong ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo ang bali-balitang ito. Ipinagdidiinan din niya na hindi nagpunta sa Canada si Kathryn Bernardo para doon magpalipas ng pagkakataon hanggang sa manganak na. Ayon kay Min Bernardo, may project umano itong si Kathryn Bernardo sa Canada. Kinailangan umanong magpunta na roon ang aktres upang masimulan na ito dahil marami rin siyang gagawing project sa Pilipinas. Mananatili sa Canada ang aktres hanggang sa matapos ang kanyang proyektong gagawin roon at hindi hanggang sa manganak na ito.

Nakiusap naman ang ina ni Kathryn Bernardo sa mga netizens na huwag kaagad maniwala sa mga nababasa at naririnig na isyu bagkus ay hanapin muna ang katotohanan nito. Hiniling din niya sa mga fans na huwag kaagad na maniwala sa mga balitang nagbubuntis ang kanyang anak dahil wala namang umano itong katotohanan. Sakali din man umano na totoong nagbubuntis ang kanyang anak ay titiyakin din naman na umano niya ang ama ng kanyang apo. Sa ngayon ay patuloy namang tikom ang mga bibig nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa mga naglalabasang isyu sa kanilang paghihiwalay.