Hinamon ni House Minority Leader Marcelino Libanan si Sen. Ronald ‘Bato’ dela Ro
Hinamon ni House Minority Leader Marcelino Libanan si Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa na ihayag na ang katotohanan hinggil sa kanyang naging papel sa pagkamatay ng 27,000 katao na diumano’y biktima ng “war on drugs” ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Si dela Rosa ay nakaupo bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) sa kasagsagan sa pagpapatupad ng “war on drugs” ng administrasyong Duterte dahilan upang siya imbestigahan ng House Quad Committee hinggil sa diumano’y extra judicial killing na kinasangkutan nito.
Bukod sa pagiging isang dating seminary sa Seminario de Hesus Nazareno, si 4Ps party-list Congressman Libanan ay isang abogado at napuwesto rin bilang chairman ng House Committee on Justice.
“As it says in Proverbs 12:22, ‘The Lord detests lying lips, but he delights in people who are trustworthy,’” sabi ni Libanan kay Sen. Bato.
#PilipinasToday
#BatoDelaRosa
#WannaFactPH