Hidilyn Diaz shares pieces of advice to voters days before May 9 polls

Hidilyn Diaz, handa nang

I-representa ang bansa sa Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam mula Mayo 12 hanggang 23

Ang weightlifter ay lumapit sa social media upang hikayatin ang mga Pilipino na suportahan ang mga pambansang atleta

Maliban sa pagsusulat tungkol sa paparating na sports event, sumulat din si Hidilyn tungkol sa eleksiyon sa Mayo 9

Ibinalita ng Olympic gold medalist ang ilang payo tungkol sa pagpili ng tamang kandidato

PAY ATTENTION: I-click ang “See First” sa ilalim ng “Following” tab para makita ang KAMI news sa iyong News Feed

Si Hidilyn Diaz, kasama ang iba pang pambansang atleta at kanilang mga koponan, ay handa nang mag-representa ng Pilipinas sa Hanoi Southeast Asian Games.

Ilan na lang ang nalalabi bago ang sports event, sinulat ng Olympic gold medalist ang isang mahabang post kung saan hinihikayat niya ang mga Pilipino na suportahan sila.

“Handa na akong mag-representa muli ng Pilipinas sa Southeast Asian Games kasama ang #TeamHD at #SWP athletes.”

“16 araw nalang bago ang kompetisyon ko sa #SEAGames2021 sa Hanoi. Manood at suportahan ninyo po kaming mga Filipino athletes na maglalaro sa SEA Games dahil gagawin namin ang lahat para i-representa ang Pilipinas at para maipakita na magagaling, malalakas at madiskarte tayong mga Pilipino.”

PAY ATTENTION: Natuwa sa pagbabasa ng aming kwento? I-download ang KAMI news app sa Google Play ngayon at manatiling updated sa mga pangunahing balita mula sa Pilipinas!

Dagdag pa, ibinahagi ng weightlifter ang ilang payo sa lahat ng mga botante sa Pilipinas habang papalapit na ang Araw ng Eleksyon.

“5 araw nalang din bago ang National Election natin sa Pilipinas. Sana lahat tayo ay bumoto ng tama, bumoto ng kandidato na i-lead tayong mga Pilipino. Bumoto ng kandidato na maging sources of inspirasyon natin, bumoto ng kandidato na sa tingin natin maging magandang halimbawa sa mga kabataan.”

“Gaya namin mga atleta, responsibilidad namin ang i-representa ang Pilipinas.”

“Ang pagiging Presidente ay malaking responsibilidad, kaya naman tayong mga botante, kilatisin ng maayos ang kandidato na ating iboboto,” dagdag pa ni Hidilyn.

Hidilyn Francisco Diaz ang unang Pilipinong nag-uwi ng Olympic gold medal. Mayroon din siyang Olympic weightlifting record sa women’s 55kg division, na natamo niya sa Tokyo 2020 Summer Olympics. Noong 2007 SEA Games na ginanap sa Thailand, siya ay nanalo ng bronze medal at nagtamo ng 10th place sa 53-kilogram class. Sumali siya sa 2016 Summer Olympics kung saan siya ay naging Silver Medalist sa women’s 53-kg category.

Ibinunyag ni Hidilyn noong Oktubre 16 na siya ay kasal na sa kanyang boyfriend at strength coach na si Julius Naranjo. Ibinalita niya ang magandang balita sa publiko sa pamamagitan ng isang social media post na nagpapakita ng larawan niya na may suot ng kanyang Olympic gold medal at kanyang kahanga-hangang engagement ring.

Matapos ang balita, nag-post ang talent manager at broadcaster na si Noel Ferrer ng isang video ni Julius na nagbabahagi ng kuwento sa likod ng engagement ring na ibinigay niya kay Hidilyn. Isinagawa ni Julius ang stunning design ng singsing kasama ang tulong ng Manila Diamond Studio. Sinabi rin niya na ang design nito ay hinango sa tagumpay ng kanyang kasintahan sa Tokyo 2020.

Pinagmulan: KAMI.com.gh