Herlene Budol, may nilinaw sa nasabi noon ni Miss Manila sa kanya; “‘di ko alam na scripted”

Herlene Budol, may nilinaw sa nasabi noon ni Miss Manila sa kanya; “‘di ko alam na scripted”.

Nilinaw ni Herlene Budol ang mga nasabi noon sa kanya ni Miss Manila Alexandra Abdon. Aniya, hindi niya alam na scripted ang mga ito kaya naman aminadong nasaktan siya noon. Subalit nagkausap na sila at nagkaayos ukol sa isyu subalit may ilang mga nagagawa pa ring balikan ang kontrobersiya ngayong may titulo na siya sa Binibining Pilipinas. Sana raw ay trinopa na lang siya nito at tiyak na magiging maganda pa umano ang kanilang tandem.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nilinaw ni Herlene Nicol Budol ang kontrobersyal na mga naging pahayag sa kanya ni Miss Manila Alexandra Abdon.

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa mga napag-usapan nila ni Karen Davila lalo na at marami ang muling binalikan ang isyu nilang dalawa kung saan nasabihan siya ni Miss Manila na kahit magpa-pageant umano ang ina ni ‘Hipon Girl’ ay hindi raw ito qualified.

“Wala naman na po akong sama ng loob sa kanya kasi dati nagkaayos na po kami. Two years ago na po yung issue na ‘yun pero binabalik-balikan pa po nila,” pahayag ni Herlene.

“Sinabi niya po na scripted pero sa part ko po hindi po ako nasabihan na scripted. So baka sana trinopa niya ako, sana mas naging magandang tandem pa kami,” paglilinaw ng ngayo’y Binibining Pilipinas first runner-up.

Aminado rin si Herlene na nasaktan siya sa mga nasabi noon ni Miss Manila lalo na at pati ang nanay niya ay nadamay sa pahayag ng Miss Universe Philippines 2020 contestant.

“Siguro Diyos na rin ang nagplano sa buhay ko, kaya dinala ako dito. Nung time na po na iyon wala naman po akong balak e. Siguro para ma-realize po ng ibang tao na kung sino po ang ibinababa, yun po ang itinataas ng Panginoon,” ang makabuluhang sinabi ni Herlene sa nangyari.

Si Herlene Nicole Budol aka “Hipon” ay isang komedyante, aktres at nagsimula bilang TV host sa programang “Wowowin”. Nakilala si Hipon nang sumali siya sa “Willie of Fortune”. Bagaman at hindi siya nanalo, hinahanap siya ng mga tagasubaybay ng programa kaya naman pinabalik siya ni Willie Revillame para maging isa sa kanyang mga co-host. Aminado si Herlene na nabago ang kanyang buhay nang maging manager si Wilbert Tolentino. Malaki ang naitulong nito sa paghahanda ni Herlene sa pagsali sa Binibining Pilipinas 2022. Hindi naman sila nabigo at nagbunga ang kanilang mga pagsasakripisyo nang mahakot ni Herlene ang karamihan ng special awards at ang pagiging 1st runner-up. Samantala, sa pinakabagong interview sa kanya ni Karen Davila, ipinasilip din ni “Hipon Girl” ang loob ng bago niyang tahanan dito.

Source: KAMI.com.gh

Sinundan ni Herlene Budol ang mga pahayag noon ni Miss Manila Alexandra Abdon. Aniya, hindi niya alam na scripted ang mga ito kaya naman aminadong nasaktan siya noon. Subalit nagkausap na sila at nagkaayos ukol sa isyu subalit may ilang mga nagagawa pa ring balikan ang kontrobersiya ngayong may titulo na siya sa Binibining Pilipinas. Sana raw ay trinopa na lang siya nito at tiyak na magiging maganda pa umano ang kanilang tandem.