Herlene Budol encourages cancer-stricken Dr. Willie Ong to fight

Labis na ikinalungkot ng Kapuso comedienne na si Herlene Budol ang balitang may cancer ang cardiologist, internist, at health advocate na si Dr. Willie Ong.

Nitong Sabado, September 14, 2024, ginulat ni Doc Willie ang publiko nang ipaalam niyang mayroon siyang abdominal cancer o sarcoma at kasalukuyan siyang sumasailalim sa chemotherapy.

Doc Willie Ong announces that he is undergoing treatment for abdominal cancer caused by sarcoma.

Photo/s: Screengrab from Facebook | Doc Willie Ong

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa World Health Organization, ang sarcoma ay isang pambihirang uri ng cancer na nabubuo sa connective tissues ng katawan ng isang pasyente, kabilang ang mga kalamnan, buto, tendon, at cartilage.

Pagbabahagi ni Doc Willie, tinatayang nasa 16x13x12 centimeter na sarcoma na ang nakita sa kanyang abdomen.

Ayon sa findings, nakatago ang tumor sa likod ng kanyang puso at sa harap ng kanyang spine kaya pinangangambahan itong lumala kapag hindi naagapan.

HERLENE ON how DOC WilliE helped her

Isa sa mga naapektuhan sa pagkakaroon ng cancer ni Doc Willie ay ang Kapuso TV host-actress na si Herlene Budol.

Sa isang video sa TikTok nitong Linggo, September 15, inihayag ni Herlene kung paano siya tinulungan noon ni Doc Willie kaya naman labis siyang nalungkot nang malamang mayroon itong cancer.

Kuwento ni Herlene, katulad ng iba ay takbuhan din niya ang mga ina-upload na video ni Doc Willie sa social media sa tuwing may nararamdaman siya sa kanyang katawan.

“First aid” nga kung ituring ni Herlene si Doc Willie dahil umeepekto naman daw sa kanya ang mga ipinapayo nitong dapat gawin at ipanggamot sa kanyang sakit.

Ani Herlene: “Shout out nga pala kay Doc Willie Ong na mayroong sakit ngayon.

“Lord, pagalingin niyo po siya dahil marami po kaming mga sakitin na umaasa sa kanya.

“Bawal kang manghina [Doc Willie] dahil ikaw ang first aid namin.

“Kasi noong nagkaroon ako ng sakit na almoranas, talagang araw-araw tumatae ako ng dugo at talagang namumulaklak na yung butas ng puwet ko dahil sa sobrang stress ko, ikaw lang [Doc Willie] ang pinanood kong video.

“Ang sabi mo pa nga don na kumain lang ng mga letter P na prutas, magiging smooth yung pagtae ko, aba effective nga.”

Dagdag pa niya: “Lahat din ng nararamdaman ko sa katawan ko, ikaw lang ang pinapanood kong video, mapa-gout, hika, at masakit ang ulo.

“Kaya Doc kung napapanood mo ito, sana maging motivation mo kaming mga taong umaasa sa iyo.

“Mahal ka namin, magpagaling ka, dahil ikaw lang sapat na.”

HERLENE’S MESSAGE TO DOC WILLIE

Bilang isa sa “Doc Willie Ong fanatics” may mensaheng nais ipaabot si Herlene sa doktor na labis daw niyang hinahangaan at pinagkakatiwalaan.

Aniya: “Bigyan kita ng tip Doc Willie Ong, panoorin niyo po yung sarili niyo, marami po kayong mapupulot [na aral] don.

“Na-touch din ako sa sinabi ni Doc [sa vlog] niya na noong nagkasakit siya mas naging close siya sa pamilya niya.

“Hindi mo na kailangang magkasakit Doc para mas maging close sa pamilya mo. Kasi kapag gumaling ka, mas ma-a-appreciate ka nila at mas marami pa kayong magiging bonding.”

Dagdag pa niya, “Get well, Doc. Isasama ka namin sa prayers namin.”

Samantala, nagpaabot naman si Doc Willie ng pasasalamat sa lahat ng nagdarasal sa kanyang paggaling.

Post niya sa Facebook (published as is), “My deepest thanks to the Filipino people. I can FEEL your love and concern even miles away. Thanks for ALL the kind thoughts. I love you all.

“If you can feel that the people around you love you, you want to go on and fight this challenge for them. But if you feel that people hate you, then what is the reason for going on?”- doc willie ong.”