Her Locket sweeps eight awards at 6th Sinag Maynila

Humakot ng walong tropeyo ang pelikulang Her Locket sa awards night ng 6th Sinag Maynila nitong Setyembre 8, 2024, Linggo, sa Metropolitan Theater ng Maynila.

Wagi ang Her Locket bilang best film, best actress (Rebecca Chuaunsu), best director (J.E. Tiglao), best ensemble, best supporting actress (Elora Españo), best cinematography (Jag Concepcion), best screenplay (Maze Miranda and J.E. Tiglao), at best production design (James Rosendal).

Best actor si Ronnie Lazaro para sa The Gospel of the Beast, at best supporting actor ang co-star niya rito na si Jansen Magpusao.

Ang best editing ay natamo ni Bryan Wong para sa pelikulang Banjo — kung saan siya rin ang title role, direktor, scriptwriter, stunt coordinator, at co-producer.

Ang People’s Choice ay nakamit ng Talahib. Ito ang pinakamalakas ang kita sa first four days (Setyembre 4-7, Miyerkules hanggang Sabado) ng filmfest.

Walang nakuhang award ang Maple Leaf Dreams, Salome, at What You Did.

Ang tatlong hurado sa full-length finalists ng 6th Sinag Maynila ay sina Bibeth Orteza, Lav Diaz, at Ramona Diaz.

BEST SUPPORTING ACTOR

Sa 47th Gawad Urian noong Hunyo 8, 2024 sa De La Salle University, Taft Avenue, Manila, waging best supporting actor si Ronnie Lazaro para sa The Gospel of the Beast.

Ang co-actor niyang si Jansen Magpusao ay isa sa mga nominadong best actor.

Dito sa Sinag Maynila, sa best supporting actor nominado si Jansen. Ang tanging nakalaban niya ay si Boo Gabunada para sa Her Locket.

jansen magpusao the gospel of the beast

Jansen Magpusao in The Gospel of the Beast

Hindi naka-attend si Jansen sa awards night dahil may pasok daw ito sa paaralan.

Sabi ng tumanggap ng kanyang award, “Kung nandito po siya, for sure, this means a lot to him. And for sure, pasasalamatan niya po ang Sinag Maynila sa pagbibigay ng parangal na ito.

“And for sure papasalamatan din niya ang direktor namin, si Direk Sheron (Dayoc).”

BEST ACTOR

Sa best actor category, maliban kay Ronnie Lazaro ay nominado sina L.A. Santos ng Maple Leaf Dreams, Bryan Wong ng Banjo, at Tony Labrusca ng What You Did.

Idinampi ni Ronnie ang kanyang palad sa sahig ng entablado bago siya nag-acceptance speech.

ronnie lazaro the gospel of the beast

Ronnie Lazaro in The Gospel of the Beast

Pagtatapat ni Ronnie, sa entabladong iyon ng MET ay umakting siya dati sa mga dula ng Bulwagang Gantimpala.

“Ngayon, eto na ako, artista sa pelikula. Nanalo. Maraming salamat po sa bumubuo ng Sinag Manila,” talumpati ni Ronnie.

“Maraming salamat, Direk Sheron Dayoc dahil… wow. Kay Jansen… hindi ko maintindihan,” pagmumuwestra ng beteranong aktor sa pagkapalit nila ng kategorya.

“Pero… wow! Ahhh maraming salamat at mabuhay sng mga… mga regional filmmakers. Gawin lang natin ito, gawin lang natin ito.

“Kailangan pa nating ligawan ang ating mga manonood. Kailangan natin silang ligawan. Kailangan malaman nila na may ginagawa tayong magandang mga pelikula ngayon.”

Binanggit ni Ronnie na kasama niya sa awards night ang kanyang asawa at anak.

BEST SUPPORTING ACTRESS

Walang video kung sinu-sino ang nominadong best supporting actress. Binanggit na lang ang citation kay Elora Españo at ini-announce na siya ang winner.

Her Locket

Elora Epano (left) and Rebecca Chuaunsu (right) on Her Locket

“Salamat. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Pero maraming-maraming salamat sa… una sa lahat, kay Lord!” bulalas ni Elora.

“Dahil pinagsama-sama niya kami sa pelikulang Her Locket, maraming salamat, Miss R, for creating this story, giving your heart and soul to the story.

“Kay Direk J.E., na kinuha niya ako nung nag-audition ako. Maraming-maraming salamat. Sa lahat ng bumubuo ng pelikula namin, maraming salamat.

“Sa Sinag Maynila, maraming salamat. Kasi, sa Sinag Maynila din yung pinakauna kong pelikula na feature.

“Kaya maraming salamat sa pagbibigay ng platform sa filmmakers, sa mga kuwentong ito.”

BEST ACTRESS

Isa lang ang kalaban ni Rebecca Chuaunsu ng Her Locket sa kategoryang best actress, si Kira Balinger ng Maple Leaf Dreams.

Si Rebecca rin ang producer ng pelikula, at ang kuwento nito ay inspired ng kanyang life story — pero sa umpisa ay may disclaimer na fiction ang Her Locket.

Anim na beses pumunta ng entablado si Rebecca para tumanggap ng tropeyo.

Her Locket starring Rebecca Chuaunsu
Rebecca Chuaunsu in Her Locket

Photo/s: PR

Sa mga awardee ng Her Locket, present ang best supporting actress na si Elora Españo, at ang production designer na si James Rosendal para mag-acceptance speech.

Pahayag ni Rebecca nang tanggapin ang kanyang best actress trophy, “Her Locket has been in my mind for the past 32 years.

“Nine years ago, when I apply to be in the directing class of Direk Brillante Mendoza, with our acting coaches Ruby Ruiz and Mr. Rolly Inocencio, the staff text me back.

“‘Give me five compelling reasons why Direk Brillante has to accept you as a directing student.’ I said I don’t have five reasons. I have only one compelling reason.

“‘If I don’t produce my movie, I cannot breathe.’ So tonight, I can finally breathe.”

Si Ruby Ruiz ang presenter ng best actress award.

Si Rolando “Rolly” Inocencio ay kasama sa cast ng Her Locket.

“Thirty-two years ago, my father wrote his last will and testament. And during the pandemic years, I had too much time in my hand,” salaysay ni Ms. Rebecca.

“I go through six diaries of my father, and twenty-six diaries of my mother. And I found out something about the inheritance issues.

“So I brought the case to court. Did I win in the court case or not? You have to watch the movie…

“Now, does ‘her locket’ belong to old Jewel, me, or to her caregiver, Elora [Españo]? You also have to find out at the cinemas at Gateway, SM, Robinsons, and Market Market.

“Sinag Maynila, thank you very much. To God be the glory!”

THE OTHER NOMINEES

Walang pinakitang nominees sa kategoryang best screenplay, kung saan in-announce na panalo sina Maze Miranda at J.E. Tiglao ng Her Locket.

Ganoon din sa kategoryang best supporting actress na panalo si Elora Españo ng Her Locket.

Ang mga kinabog ni Jag Concepcion ng Her Locket sa kategoryang best cinematography ay sina Rommel Andreo Sales ng The Gospel of the Beast, Rain Yamson II ng Talahib, at Renzo Daquigan ng Banjo.

Ang mga tinalo ni Bryan Wong ng Banjo sa kategoryang best editing ay si Beng Bandong ng What You Did, at ang 47th Gawad Urian winner na si Lawrence Ang ng The Gospel of the Beast. Hindi nominado sa kategoryang ito ang Her Locket.

Ang mga katungali ni J.E. Tiglao sa kategoryang best director ay sina Sheron Dayoc ng The Gospel of the Beast, at Bryan Wong ng Banjo.

JURY’S DELIBERATION

Habang nagpo-photo op ang participants sa Sinag Maynila 2024 matapos ang awards ceremony, nakausap ng PEP si Bibeth Orteza na isa sa tatlong hurado ng full-length finalists.

bibeth orteza sinag maynila awards night
Sinag Maynila juror Bibeth Orteza

Photo/s: Jerry Olea

Bakit sa best actor nagwagi si Ronnie Lazaro, at sa best supporting actor naman nagwagi si Jansen Magpusao, both for The Gospel of the Beast?

“Nung inaral namin at diniscuss, from the beginning the character of Ronnie was there already,” paliwanag ni Bibeth.

“Na akala nung bata, mabait pa, kaya dun siya tumakbo. So, buo naman yung kanyang role.”

Mismong si Ronnie ay ipinahiwatig ang pagtataka kung bakit sa best supporting actor si Jansen, at siya ay sa best actor.

“Nabaligtad naman. Pinagdiskusyunan namin,” sabi ni Bibeth.

Runaway winner daw sina Rebecca Chuaunsu at Elora Españo bilang best actress at best supporting actress, respectively, for Her Locket.

Sabi pa ni Bibeth, “Naaliw kami dun sa cinematography. Kasi yung flashback scenes sa UP, malabo, sume-sepia. Tapos yung present scenes, klarung-klaro yung ano.

“So, kita mo talaga ang difference ng flashback at present.”

Na-impress daw sila sa pagka-edit ni Bryan Wong ng Banjo.

“Alam niya kung paano pumutol. Alam niya, so sabi namin, ibigay natin kay Banjo. Because Bryan Wong has to be encouraged to do more films,” sambit ni Bibeth.

“Ang aliw ko naman dito, yung for whatever maliit na festival ito, pero… nung nakita ko yung reaksiyon ng mga first time winners, yung mga indie, nagso-short films…

“Alam mo, hindi mamamatay ang pelikulang Pilipino. Siguro we’ll have ups and downs pero sisige pa rin.

“Kasi nakita mo yung energy ng mga bata.”

BEST DOCUMENTARY, BEST SHORT FILM

Ang best documentary ay ang Ino ni Ranniel Semana.

Dalawa ang pinagkalooban ng Documentary Jury Prize — Pag-ibig Ang Mananaig ni Jenina Denise A. Domingo, at Ghosts of Kalantiaw ni Chuck Escasa.

Best short film ang As The Moth Flies ni Gayle Oblea.

Second best short film ang Bisan Abo Wala Bilin ni Kyd Torato, at thirt best short film ang Ang Maniniyot ni Papa Jisos ni Franky Arrocena.

Ang common denominator ng best short film na As The Moth Flies at best film na Her Locket ay si Boo Gabunada, na nominadong best supporting actor.

Magkatuwang bilang organizers ng Sinag Maynila indie filmfest si Direk Brillante Mendoza, at si Boss Wilson Tieng ng Solar Entertainment.