Henry Omaga-Diaz bids goodbye to TV Patrol

Hanggang ngayong Biyernes ng gabi, August 30, 2024, na lamang ang anchor duties ng beteranong broadcaster na si Henry Omaga-Diaz sa TV Patrol.

Ito ay matapos ang halos walong taon niyang pagiging regular anchor ng longest-running primetime newscast sa telebisyon.

HENRY OMAGA-DIAZ TO RELOCATE TO CANADA

Sa Instagram ni Julius Babao ngayong Biyernes, nag-upload siya ng catch-up photo sa dating kasamahan niya sa TV Patrol na si Henry.

Kasama nila sa larawan ang asawa ni Julius na si Christine Bersola-Babao.

Julius Babao, Henry Omaga Diaz, and Christine Babao

Photo/s: Courtesy: @juliusbabao on Instagram

Ayon kay Julius, mahaba ang naging samahan nila ni Henry noong nasa ABS-CBN pa siya.

Pagbabahagi pa ni Julius, bukas, August 31, na lilipad si Henry patungong Canada kung saan nakabase ang kanyang pamilya.

Buong post ni Julius, “it’s Henry Omaga Diaz’ last day on TV Patrol. He will be leaving for Canada tomorrow to begin a new life there with his family.

“Henry and I go a long way. Halos sabay kaming na-assign as police reporter in the 1990’s and would often see each other sa mga coverage at gimmick noon kasama ang namayapang si Mario Dumaual.

“Mabuti na lang at nagkausap kami bago siya lumipad pa-canada bukas. Wishing youthe best on your new and exciting adventure Henry! See you again soon! @henryomagadiaz

HENRY OMAGA DIAZ anchor duties ON tv patrol

Naging bahagi ng TV Patrol si Henry bilang anchor mula 2001 hanggang 2003, kasama sina Korina Sanchez at Aljo Bendijo.

Naging anchor naman si Karen Davila ng TV Patrol World mula November 2004 hanggang June 2010, kasama sina Julius at Ted Failon.

Bumalik as permanent anchor si Henry sa TV Patrol nang lumipat sa TV5 si Ted, mula 2020 hanggang ngayong 2024.

Katapat ng TV Patrol ang Frontline Pilipinas ng TV5 kung saan isa si Julius sa mga news anchor.