Heart Evangelista pinakita ang ginawa ng dating glam team, mga walang utang na loob.

Muling nabuhay ang dating isyu sa pagitan ni Heart Evangelista at dati niyang glam team, dahil sa pagsisiwalat n9 Heart sa pinakabagongg YouTube vlog niya.

Tila si Heart Evangelista na rin mismo ang nagbuhay sa dating isyu sa pagitan nila ng kanyang glam team sa kanyang pinakabagong vlog sa kanyang paghahanda sa dinaluhan niyang fashion show sa New York.

Tampok sa ibinahagi na vlog ni Heart Evangelista ang highlights ng kanyang New York Fashion week journey.

Ibinida ni Heart Evangelista sa halos isang oras na vlog ang ginagawa niyang paghahanda sa Fashion week at mga lugar na kanyang napuntahan.

Ibinahagi rin niya kung sino-sinong mga personalidad ang tumutulong sa kanila para maging kahanga-hanga sa mga kaganapan na kanyang pinupuntahan.

Makikita rin sa ibinahagi na vlog ni Heart Evangelista ang usapan nila ng kanyang dating manager na si Arnold Sebastian Mendoza na naka-base ngayon sa New York.

Pinag-usapan nila ang patungkol sa pagtitiwala at pagkakasira nito. Bagama’t wala namang binanggit na pangalan ang dalawa, natutugunan ng mga netizens na kanilang tinutukoy ay ang dating glam team ni Heart Evagelista.

“Hindi ka maaaring magtiwala sa sinuman. Tanging ang iyong sarili at iilan lamang ang napili—lalo na kapag gusto nila ng higit pa,” pahayag ni Heart Evangelista.

Sinegundahan naman ito ni Arnold Mendoza, “Hindi ka maaaring maging tasa ng tsaa ng lahat. Kahit na ano pang gawin mo, magta-tumbling ka, meron pa rin ang hindi mo… ayaw sa iyo.”

“Ano lang, simple na, kung kanino ka nagsimula, kung paano ka nagkaroon ng pangalan, bigyan mo naman ng ano… ‘di ba?” dagdag pa nito.

Muli itong sinigundahan ni Heart Evangelista.

“If they want to do other clients, wala namang problema. Tell me naman because ako, bawal, puwede ka? Bawal akong mag-react?”

Nagbigay din ng mensahe si Arnold Mendoza kung saan ni-realtalk niya ang mga ito.

“Day, nagiging ano kayo, influencer, dahil kay Heart. Mga bakla kayo, magre-resign kayo—sulat? Kakapal naman ng mga mukha n’yo. Puwede mo namang kausapin yung tao. May magagawa ba siya kung gusto niyo na siyang iwan?

“Pero, sana, namili kayo no’ng maayos na paraan.”

“Dinala kayo sa ibang bansang hindi n’yo kayang puntahan. Libre. Tapos gusto n’yo maglamyerda. Eh, ‘Day, trabaho muna.”

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng anumang pahayag ang dating glam team ni Heart Evangelista hinggil sa usapan nina Heart at Arnold.

Samantala, narito ang ilang komento ng mga netizens hinggil sa nasabing vlog ni Heart Evangelista at ang usapan nila ni Arnold.