Heart Evangelista, inilabas ang hinaing niya sa pagka-report ng account niya

-Ibinahagi ni Heart Evangelista ang kanyang hinaing matapos ma-report ang kanyang Instagram account dahil sa isang post na medyo revealing ang suot

-Sinabi niyang wala siyang masamang intensyon at hindi bastos ang kanyang post, at humingi siya ng dasal at suporta mula sa kanyang mga tagahanga

– Ipinunto ni Heart na tuwing Fashion Week siya ay laging may gumagawa ng paraan para isabotahe ang kanyang social media accounts

– Hinikayat niya ang kanyang mga fans na huwag makipag-away at hayaan na lamang ang mga taong naninira sa kanya

Matapos rumampa sa Paris Fashion Week, hindi pa rin nakaligtas si Heart Evangelista sa pananabotahe ng kanyang social media accounts. Noong Sabado, Hunyo 29, sa isang Instagram Live, ibinahagi ni Heart ang kanyang sama ng loob matapos ma-report ang kanyang account.

Heart Evangelista, inilabas ang hinaing niya sa pagka-report ng account niya
Heart Evangelista, inilabas ang hinaing niya sa pagka-report ng account niya
Source: Instagram

Ipinaliwanag ni Heart na bagaman medyo revealing ang kanyang suot, hindi ito nangangahulugang bastos ang dating nito, at wala siyang masamang intensyon.

Read also

Sharon Cuneta, nagdadalamhati sa pagpanaw ni Manny Castañeda

Hindi niya alam kung sino ang nasa likod ng pagka-report ng kanyang account, ngunit napansin niya na tuwing Fashion Week ay may mga taong gumagawa ng paraan para isabotahe ang kanyang social media presence. Sinabi niya na, “Sad, but ganun talaga,” habang inaayusan siya ng kanyang glam team.

Habang naghahanda para sa isang interview sa Vanity Fair France at isang meet and greet sa kanyang mga fans, sinabi ni Heart na babawiin niya sa shopping ang stress na dulot ng pagka-report ng kanyang account.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon kay Heart, “I think I deserve to shop. I’m gonna shop today. I’m gonna max my credit cards, because life is good that way, char!” Nilinaw din niya na hindi siya kumikita nang malaki sa pag-attend ng mga Fashion Week events at ito ay hindi kanyang pangunahing kabuhayan.

Read also

Xian Gaza, ibinida ang Songkran Festival sa Thailand

Dagdag pa ni Heart, ilang beses na itong nangyari tuwing Fashion Week, kaya’t hindi na siya nagugulat. Hinimok niya ang kanyang mga fans na huwag nang makipag-away at hayaang gawin ng iba ang gusto nila. Ani niya, “We’re not here for that. We’re here to enjoy. I’m just minding my own business.” Sa huli, nakiusap si Heart sa kanyang mga tagasuporta na huwag pumatol at huwag makipag-away.

Ikinasal si Heart Evangelista kay Sen. Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother’s Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit.

Read also

Alexa Gutierrez, may madamdaming mensahe sa asawang si Elvis Gutierrez sa kanilang anniversary

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!