
GMA Network estafa complaint against TAPE executives
Naglabas ng pahayag ang GMA Network kasunod ng paghahain ng reklamong estafa laban sa mga ehekutibo ng TAPE (Television And Productions Exponents), Inc., ang producer ng defunct noontime show na Tahanang Pinakamasaya sa GMA-7.
Ang TAPE din ang dating producer ng Eat Bulaga!, na napunta na sa pagmamay-ari ng oiginal hosts nitong sina Senator-elect Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon o TVJ.
Ang TAPE, Inc. ay pagmamay-ari nina Romeo Jalosjos Sr. at Tony Tuviera.
Umere ang Tahanang Pinakamasaya sa GMA-7 mula January 6, 2024 hanggang March 2, 2024.
Bago ito, napanood ang dating Eat Bulaga! sa bakuran ng Kapuso network sa loob ng halos 30 taon, mula 1995 hanggang 2024.
GMA VOWS TO COLLECT PHP37.9 MILLION IN ADVERTISING revenues
Ayon sa inilabas na pahayag ng GMA Network ngayong Huwebes, May 22, 2025, kasama sa sinampahan nila ng reklamo ang TAPE executives na sina Romeo Jalosjos Jr. (former president and CEO), Romeo Jalosjos Sr. (chairman of the board), Seth Frederick “Bullet” Jalosjos (treasurer), Malou Choa-Fagar (former COO and current president and CEO), Michaela Magtoto (former senior vice-president for finance), at Zenaida Buenavista (finance consultant).
Inihain ang reklamo sa Office of the City Prosecutor ng Quezon City.
Nag-ugat ang reklamo ng GMA Network sa pagkabigo ng respondents na i-remit umano ang nakolekta nilang advertising revenues mula sa kanilang mga kliyente na base sa kanilang kontrata ay dapat mapunta sa network sa ilalim ng “2023 Assignment Agreement.”
Sa halip, ginamit umano ang nasabing halaga para sa “operational expenses” ng TAPE.
Bahagi ng pahayag ng GMA: “Despite multiple formal demands, the funds were not transferred to GMA because they were instead used for TAPE’s operational expenses, in violation of the trust arrangement outlined in the agreement.
“GMA Network is pursuing legal action to hold the responsible officers accountable and to recover the misappropriated amount.”

Photo/s: Courtesy: GMA News on Facebook
TAPE OWES MORE MONEY TO GMA?
Ayon sa ulat ng PEP Troika noong February 2024, may malaki raw pagkakautang ang TAPE sa GMA-7.
Hindi malinaw kung kasama ang nabanggit na halos PHP38 million advertising revenues sa utang ng TAPE sa GMA na umabot na umano sa PHP800 million.
Bahagi ng ulat ng PEP Troika: “Ang dinig kasi namin, malaki pa ang bayarin nila sa GMA-7 at pati sa suppliers.
“Totoo kayang umabot na raw ng halos PHP800M ang utang ng TAPE sa GMA-7?
“May naglinaw sa aming matagal nang pagkakautang iyon sa GMA-7, at nagkapatung-patong na lang.
“Ibig sabihin, nung panahon pa ng Eat Bulaga! ng TVJ at legit Dabarkads naipon ang pagkakautang sa GMA-7 at sa ilang suppliers.
“Sabi sa amin ng aming source, hindi naman daw aabot sa ganung halaga kung sa revamped Eat Bulaga! na naging Tahanang Pinakamasaya ang utang na yun.
“May ilang suppliers daw na matagal na ring hindi nababayaran. Kaninong pananagutan ito?”
Wala pang inilabas na pahayag ang pamunuan ng TAPE, Inc. ukol sa reklamong estafa ng Kapuso Network.
Source: GMA Network estafa complaint against TAPE executives