Gillian Vicencio to prioritize “pera muna” before romance

Hiningan ng reaksiyon si Gillian Vicencio, 24, sa pahayag ni Kristof Garcia, 30, na gustuhin man niyang ligawan ang dalaga ay hindi niya nagawa.

Sa pagkakaalam daw ni Kristof ay “taken” na si Gillian nung nagsu-shoot sila ng pelikulang Talahib.

“Ay, ganoon? May dyowa ba ako noon?” saad ni Gillian, na di agad sinagot kung mayroon nga ba siyang nobyo.

Natawang komento pa ni Gillian patungkol kay Kristof, “Hindi… Wala ngang pinaparamdam yan, dyusko!”

Nang tanungin ulit kung puwede siyang ligawan ni Kristof, bumaling si Gillian sa kanyang ina, “Puwede ba?”

Nakikinig lang sa tabi ang ina ni Gillian.

Saka sumagot si Gillian na wala siyang karelasyon at hindi ito ang prayoridad niya.

Pera muna. Pera, pera, pera. Magpundar muna. Work muna,” diin ng aktres.

Pero inamin niyang nagkaroon na siya ng nobyo noon.

Sabay sabi niya, “Pero right now, huwag muna. Kasi nakakapagod siya. Nakaka-drain siya.”

Hindi raw nagmamadali si Gillian.

“Dadating naman po yun, e. Kasi kung naayos mo na ang sarili mo, di ba? Parang buo ka na as a person. Kusang dadating yung mga ganyang bagay.

“Pero as of now, survival muna yung kailangan nating isipin. Kasi ang hirap ng buhay natin ngayon, di ba?”

Marami pa raw gustong maabot si Gillian pagdating sa kanyang showbiz career.

“Wala pa ako sa… Andito pa lang ako sa simula. So, ang dami ko pa pong gustong gawin.

“Ang dami ko pang gustong makatrabaho. Ang dami ko pang gustong matutunan sa pag-aakting.

“So, malayo pa.”

Gillian Vicencio at gala screening of Talahib where she landed her first lead role

Photo/s: @_gillianvicencio Instagram

Nakapanayam ng entertainment pressi kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gillian sa gala screening ng Talahib, isa sa entries sa Sinag Maynila Festival.

Ginanap ang event sa Cinema 12 sa Gateway Mall noong Huwebes, September 5, 2024.

GILLIAN VICENCIO ON FIRST LEAD ROLE

Palaban sa aktingan si Gillian sa slasher film na idinirek ni Alvin Yapan at iprinodyus ng Feast Foundation.

Proud si Alvin sa performance ni Gillian sa pelikula.

Kinikilig na sabi naman ni Gillian sa papuri sa kanya ng direktor: “Siyempre, nakakatuwa yun coming from Direk Alvin Yapan. Alam naman natin na award-winning director siya.

“So, yung makatrabaho pa lang si Direk Alvin isang malaking karangalan na yun, e. Tapos yung masabi pa niya yun about me.

“So, nakaka-excite panoorin yung movie namin.”

Supporting roles ang ginampanan ni Gillian sa mga pelikulang Eerie (2018), Hellcome Home (2019), Four Sisters Before The Wedding (2020), at A Very Good Girl (2023).

Ang Talahib ang first lead role niya.

“Kaya very memorable po ito para sa akin. First lead tapos kasali pa sa film festival. Then, directed by Alvin Yapan pa,” sambit ni Gillian.

Paano siya nakuha sa pelikula?

Sagot ni Gillian: “Hindi po ako nag-audition. Sabi po ni Direk, parang nag-a-ask siya sa mga kakilala niya.

“And ni-reco po ako ni Tita Irma Adlawan. Tita Irma, thank you so much!”

Paglalarawan pa niya sa kanyang role sa Talahib, “Opo, ako naman ang tinatakot ngayon. Hahaha!

“Siyempre, nakakatuwa ako naman ang tinatakot, di ba? Unlike before, dalawang pelikula rin [Eerie and Hellcome Home] yun na ako yung mumo.

“So, right now, hindi naman ako. So, abangan niyo.”

gillian vicencio on talahib co-stars

Marami sa mga eksena sa Talahib ay kinunan sa talahiban.

Kuwento ni Gillian sa kanyang karanasan: “Tapos sa gabi talaga kami nag-shoot kasi mostly night effect kami. Puro damo, oo.

“Okey naman, kahit yung amoy ng mga damo. Hindi naman kami nahirapan sa shoot.

“Sobrang smooth-sailing siya. Wala namang naging problema sa set.

“Okey yung lahat ng ka-work ko. Lahat ng cast members very open sila.

“Kaya marami rin talaga akong natutunan. Masaya siya over-all.”

Kasama rin sa Talahib sina Joem Bascon, Jess Mendoza, Dax Alejandro, Kate Alejandrino, at Iyo Canlas.

May special participation sina Mercedes Cabral at Sue Prado.

Palabas sa mga sinehan ang Talahib hanggang Setyembre 10, Martes.