Gigi de Lana admits blaming herself for mother’s death

Hanggang ngayon ay nalulungkot at nagluluksa pa rin si Gigi de Lana sa pagkamatay ng kanyang inang si Imelda de Lana.

Sumakabilang buhay ang ina ng singer noong May 15, 2024, matapos ang ilang taong pakikipaglaban nito sa sakit na breast cancer.

Sa panayam ni Gigi sa vlog sa YouTube ni Toni Gonzaga nitong Linggo, September 10, kinumusta ang kasalukuyan niyang estado, apat na buwan mula nang pumanaw ang kanyang pinakamamahal na ina.

Pahayag ni Gigi: “Sa ngayon, hindi ko alam. Para akong naliligaw pa rin until now, lalo na noong nawala ang mom ko.

“Tsaka noong nawala si Mama, yung mundo ko, sobrang bigat.

“Para akong inalisan ng kaluluwa sa katawan ko, kasi siya lahat every time na kumakanta ako. Siya yung motivation ko, para sa kanya lagi, until now.”

GIGI RECALLS LAST MOMENT WITH HER MOther

Emosyunal na pag-amin ni Gigi, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makalimutan ang huling sandaling kausap niya ang ina habang siya ay nasa ibang bansa.

Pumanaw si Imelda habang nasa Amerika si Gigi dahil sa shows niya abroad kasama ang kanyang The Gigi Vibes band.

Gigi de Lana admits blaming herself for mother's death

Photo/s: Screengrab @ToniGonzagaStudio YouTube

Pagbabalik-tanaw ng singer: “Nasa hotel ako ta’s naka-tube na si Mama, groggy pa siya and hindi na nagre-react ang face nila.

“And [habang] nagkukuwento ako, ang reaction lang niya is kumunot ang noo niya.

“Pagka-off ko and habang nasa shower ako, kinausap ko na si Lord. Sabi ko, ‘Lord, okay na po. Kunin Mo na siya.’

“Hirap na hirap na siya, e, yung face niya, namamaga na, in pain.”

Ilang saglit lang ang lumipas ay muli raw nakatanggap ng tawag si Gigi mula sa mga kamag-anak niya sa Pilipinas, para ipaalam na wala na ang kanyang ina.

Umiiyak na sabi ni Gigi, “After ko maligo, may tumatawag na. Pagkasagot ko, lahat sila, nag-iiyakan.

“And then shocked ako, and then sabi nila, yung mama ko wala na.”

GIGI BLAMES HERSELF

Bagamat ipinagpasa-Diyos ni Gigi ang kalagayan ng ina, hindi raw maalis sa kanyang sisihin pa rin ang sarili.

Maaaring buhay pa raw kasi ngayon ang kanyang ina kung maaga niya itong napagamot.

Saad ni Gigi: “Akala ko okay na ako, pero noong nawala, hindi pala. Hindi ako okay, hindi ako okay until now.

“Sinisisi ko kasi ang sarili ko kung bakit siya lumala nang ganyan. Kasi wala akong pera, una, hindi ko siya mapagamot.

“Mag-isa lang ako, at siya lang din yung lakas ko, siya lang.”

Gigi de Lana admits blaming herself for mother's death

Photo/s: Screengrab @ToniGonzagaStudio YouTube

Lugmok man ngayon sa kalungkutan, alam daw ni Gigi na masaya at payapa na ang kanyang ina kung nasaan man ito ngayon, dahil wala na itong iniindang sakit.

Ani Gigi, “Sobrang lungkot, pero a part of me ay masaya kasi tapos na yung paghihirap niya.

“She has been battling cancer for six years, ang tagal, kaya it’s time na rin to rest.”

Sa ngayon, wala raw ibang gusto si Gigi kundi ang maging okay rin siya sa kabila ng dagok na naranasan.

Aniya, “For now, gusto ko lang maging at peace. Maging masaya yung puso ko nang totoo. And I want to heal.”