Gerald, Sandro, Enzo fight stigma of sexual abuse

Trigger warning: sexual abuse, sexual harrasment

Highlight ng Courage concert ni Gerald Santos noong Enero 24, 2025, Biyernes, sa Skydome ng SM North EDSA, Quezon City ang paglulunsad ng “Courage Movement.”

Adhikain ito ng 33-anyos na si Gerald upang matulungan ang mga biktima ng harassment, panghahalay, o seksuwal na pang-aabuso.

Kaugnay rito, kinanta ni Gerald ang “You’ll Never Walk Alone” na mula sa musical na Carousel (1945).

Kasunod nito ay nakipag-duet kay Gerald ang “kaps” o “kapatid”niyang si Aicelle Santos ng “The Greatest Love of All.”

Ang nasabing kanta ay sinulat para sa biographical sports film na The Greatest (1977), na tungkol sa buhay ng boksingerong si Muhammad Ali.

SONGS OF FAITH AND HOPE

Tinawag si Enzo Almario, na kumanta ng “Leaves” ng Ben & Ben. Nanatiling nasa stage sina Gerald at Aicelle habang umaawit si Enzo, na towards the ending ng song ay napaluha.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng lyrics ng “Leaves”: “Leaves will soon grow from the bareness of trees / And all will be alright in time / From waves overgrown come the calmest of seas / And all will be alright in time / Oh you never really love someone until you learn to forgive.”

Afterwards ay pinagsaluhan nina Gerald, Aicelle, at Enzo ang kantang “When You Believe” mula sa animated musical drama film na The Prince of Egypt (1998).

Bahagi ng lyrics ng kanta: “There can be miracles when you believe / Though hope is frail, it’s hard to kill / Who knows what miracles you can achieve? / When you believe, somehow you will / You will when you believe.”

Kapagkuwan ay um-exit na si Aicelle. Hindi agad nagbukas iyong labasan kaya natawa ang iba sa audience pati si Gerald na nagsabing kailangang kumatok muna sa LED screen.

EMPOWERING VICTIMS OF HARASSMENT, SEXUAL ABUSE

Sa isang punto ng concert, nagseryoso si Gerald at inihayag ang posisyon niya sa isyung sexual harassment at sexual abuse.

“Tonight is an extra-meaningful night as we launch a movement aimed at increasing awareness and action on a prevalent social misconduct often brushed off as petty — sexual harassment.

“And supporting victims of the more serious sexual abuse. We are here not to give [a] solution to every act of crime committed in our industry or in other fields.

“But we do offer an alternative refuge for those who are undergoing mental and psychological struggles because of sexual harassment and abuse in their work place.

“The Courage Movement which we are launching tonight is a movement that encourages and empowers the victims to speak out.”

Ayon sa manager ni Gerald na si Rommel Ramilo—na siya ring nag-conceptualize, nag-script, at nagdirek ng Courage concert—kabilang sa nanood ang head ng non-profit organization na PAVE (Promoting Awareness | Victim Empowerment) Philippines.

“Biktima rin ang head ng PAVE. May mga kasama siyang victims din na nanood. Lumapit sila kay Gerald bago pa nag-umpisa ang concert,” saad ni Ramilo.

All throughout the Courage concert ay dinadalirot ang karanasan ni Gerald Santos, na nagsabing kinse anyos pa lamang siya nang hinalay siya.

Hindi binanggit sa concert ang pangalan ng itinuro ni Gerald na humalay umano sa kanya.

Ang di pinangalanang personalidad ang sinasabing humalay din umano kay Enzo noong siya naman ay dose anyos.

Susog ni Enzo sa launch ng Courage Movement, “Alisan o bawasan man lang natin ang stigma na kaakibat ng mga ganitong sitwasyon.

“Na ang pagsasalita at paglabas patungkol dito ay lilikha lamang ng isang malaking eskandalo sa pamilya at madadamay lamang ang buong angkan ng biktima.

“Na sobrang kahihiyan lamang ang idudulot ng pagsisiwalat ng nangyari dahil ikaw ang inabuso ng ibang tao at wala kang ginawa.

“At iyong paghusga ng ibang tao na kaya nangyari iyon ay dahil ginusto mo at hindi ka lumaban.

“Na ikaw pa rin ang matinding sisisihin sa nangyari.”

Pagkatapos ay pinakilala ni Gerald ang isa pang guest sa concert.

Sambot ni Gerald, “And guys, we have here a very special na bisita ngayon para magsalita din. Please welcome… Mr. Sandro Marcos.”

Sabay paglilinaw ni Gerald, “Sandro Muhlach. I’m so sorry.”

Natawa si Gerald na tila hiyang-hiya, at tawanan din ang marami sa audience.

gerald sandro enzo courage movement

Gerald Santos, Sandro Muhlach, and Enzo Almario make a stand against sexual abuse

ON SPEAKING OUT

Hindi kailang kontrobersiyal ang paglantad ni Sandro bilang biktima umano ng sexual abuse.

Pormal na idinemanda niya ang dalawang respondents na nagtratrabaho sa GMA-7.

Sa concert, ibinahagi ni Sandro kung paano nakatulong sa kanya ang paglantad ng sinasabi niyang dinanas niyang pang-aabuso.

Ani Sandro, “This concert is all about courage, di ba, Kuya? You know, parang courage is like having a superpower.

“Nagbibigay ito sa iyo ng lakas ng loob para magawa iyong tamang gawin. And I think, yung courage is important sa lahat ng bagay.

“Kasi yun yung magpapatanggol sa sarili mo. And I hope lahat ng mga biktima, magkaroon din ng courage.

“Mahirap, oo, pero andiyan yung family. Andiyan yung family ko, thank you sa papa ko na sinuportahan ako at the time.”

Nagpalakpakan ang audience, at nagpasalamat si Sandro sa kanyang fans, pati kina Gerald at Enzo na tinawag niya parehong kuya, at sa PAVE Philippines.

“Kayo yung nagbigay ng lakas sa akin na magsalita!” bulalas ni Sandro.

Sabi ni Gerald, “Thank you, Sandro, for paving the way. Kasi nung lumabas ka kaya ako nagkaroon din ng lakas ng loob.

“Kaya actually, ako ang nakakuha ng lakas ng loob sa yo. Kaya palakpakan naman natin, Mr. Sandro Muhlach!”

Tumalima ang audience at nagpalakpakan.

Lumapit sa stage ang ama ni Sandro na si Niño Muhlach at nagbigay kay

Gerald ng dalawang kahong Muhlach ensaymada.

Palakpakan din ang mga tao kay Onin, na palayaw ni Niño.

Patuloy ni Sandro, “Ang mga biktima po ng anumang sexual harassment o abuse ay puwedeng makipag-ugnayan o tumawag sa hotline na nasa inyong harapan.

“We have coordinated with PAO para mabigyan po ang mga biktima ng libreng legal assistance.”

Dagdag ni Enzo, “Maaari din po silang makipag-ugnayan sa amin para bigyan sila ng free legal assistance.

“Isasapubliko din po namin sa mga sandaling ito ang official Facebook page ng Courage Movement. Paki-follow na lang po ng aming page.”

Matatandaang nagkita sa isang birthday party sina Sandro at Gerald noong Nobyembre 26, 2024, at marahil dito nabuo ang pagsasanib-puwersa nila para sa Courage movement

GERALD SANTOS THANKS PEOPLE WHO SUPPORTED HIS CONCERT

Sa huli, nagbahagi ng appreciation post si Gerald para sa mga sumuporta sa kanyang concert.

Facebook post ni Gerald noong Enero 25 (published as is): “Last night was a Courageous and unforgettable night! Thank you Lord for this very successful concert!

“Thank you first of all to my manager and Director of the COURAGE Concert Kuya Rommel Ramilo! You never run out of ideas kuya grabe the writing and concept of this concert is one of your best if not the best concert you’ve directed!

“Thank you to Ate Mhae Sarenas of Echo Jam and Direk Buboy of Visionary for the trust Tita Cecil Bravo thank you and love you all po!”

Inisa-isa rin niya ang celebrity guests na pumayag maging bahagi ng concert.

“Sa aking mga kapatid sa industriya na pinaunlakan ang aking imbitasyon, kaps Aicelle Santos, Sheryn Regis and Erik Santos, forever thankful to you guys for your love and support.

“My other guests Elish, Aster OFC and VSD of Mayora Mariposa thank you!

“And to my surprise guests Enzo Almario and Sandro Muhlach thank you so much sa inyong COURAGE and for supporting this movement!

“This is just the beginning and we will continue to empower victims of SA and SH and help them in every way we can!”

Nagpasalamat din si Gerald sa mga kasama niyang bumuo ng concert.

“To my band, back up singers and my ever reliable musical director Mr. Jason Cabato thank you Maestro! We did it again!

“Thank you to Mama Teddy Mendoza for my HMU, Mr.John Guarnes for my stunning outfits last night they were all impressed with your creations! To the best publicist Jemuel Salterio thank you!

“At syempre sa lahat ng aming sponsors, sa lahat ng nanood at aming mga kaibigan, maraming maraming salamat po sa inyo!”

Shopping cart