Gerald Anderson Breaks Silence on Joshua and Julia Barretto Reunion!

Inaabangan ngayon ng maraming tagahanga at tagasuporta nina Joshua Garcia at Julia Barretto ang kanilang comeback movie matapos ang ilang taon matapos ang kanilang controversial na hiwalayan.

Makalipas ang maraming taon, tila napapanahon na rin na muli silang magsama sa isang proyekto dahil makikita namang pareho silang nakapag-move on at masaya na sa kani-kanilang mga karelasyon ngayon.

Nauna nang naglabas ng pahayag sina Julia Barretto at Joshua Garcia patungkol sa pagkakaroon nila ng pelikula kung saan naniniwala silang pareho na handa na silang gumawa at magsama muli sa isang proyekto.

Samantala, natanong rin ng ilang press people si Gerald Anderson sa saloobin niya sa pagkakaroon ng comeback movie ng kanyang girlfriend sa dating kasintahan nito na si Joshua Garcia.

Naniniwala naman umano si Gerald Anderson na walang mali sa pagsasamang muli ng kanyang girlfriend na si Julia Barretto sa ex-boyfriend nito na si Joshua Garcia dahil maganda naman umano ang konsepto ng pelikula at alam niya lalo na itong gaganda dahil parehong magaling na artista sina Julia. Barretto at Joshua Garcia.

Sa naging pahayag na ito ni Gerald Anderson ay ipinakita lamang ng aktor ang kanyang propesyonalismo. Bukod pa rito, ipinakita rin ni Gerald Anderson ang kanyang confidence na nakapag-move on na si Julia Barretto kay Joshua Garcia at walang relationship comeback na magaganap.

Umani naman ito ng positibong reaksyon mula sa mga netizens na nasisiyahan dahil suportado ni Gerald Anderson ang kanyang nobya sa mga proyekto nito kahit hindi pa siya ang leading man nito.

Naniniwala rin ang mga netizens na napapanahon na ang pagbibigay ng kapatawaran sa isa't-isa dahil nauna nang nakita ang pagkakaayos nina Julia Barretto at Bea Alonzo na na-isyu noon.