
Gerald Anderson, binalikan ang makasaysayang role niya bilang si Budoy: “Pressure is a privilege”
– Binalikan ni Gerald Anderson ang kanyang role bilang si Benjamin “Budoy” Maniego na may Angelman Syndrome sa 2011 drama series na Budoy
– Sa panayam sa kanya ni Luis Manzano, pinagmalaki ng aktor ang dedikasyong inilaan niya sa papel, na sinimulan pa niya kahit wala pang kumpirmasyon sa proyekto
– Nag-research daw siya ng malalim at namuhay kasama ang mga taong may espesyal na kondisyon upang maipakita ito nang may respeto at maging makatotohanan ang kanyang pagganap
– Ayon sa kanya, naging hamon ito ngunit isang karangalan din, lalo na’t naging tulay ito para sa mas malawak na kamalayan tungkol sa mga taong may espesyal na pangangailangan
Isa sa mga hindi malilimutang karakter sa mundo ng teleserye ay si Budoy, ang batang may Angelman Syndrome na ginampanan ni Gerald Anderson noong 2011. Sa panayam ni Luis Manzano sa kanyang programa, muling binalikan ng aktor ang panahong iyon kung kailan nilabanan niya ang pressure sa pamamagitan ng paghahanda, respeto, at dedikasyon sa papel.

Source: Instagram
“Yung kinwento pa lang sa akin na may potential show ako, I was already working it na with myself,” ani Gerald. Dagdag pa niya, tinuring niyang pribilehiyo ang pressure at challenge na dala ng role. Ayon sa kanya, bago pa man siya kumpirmahin sa proyekto, sinimulan na niya ang kanyang paghahanda, kabilang na ang pananaliksik at pakikisalamuha sa mga may kaparehong kondisyon.
Isinagawa raw niya ang role nang may kabuuang immersion—natulog pa siya kasama ang mga pamilyang may mga anak na may special needs upang tunay na maunawaan ang kalagayan. “Because of that work and the dedication, and the discipline, and the respect na binigay ko not just to special children but yung mga magulang nila,” pagbabahagi pa ng aktor.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Para kay Gerald, hindi lamang ito isang proyekto. Isa itong tungkulin na nagbigay-inspirasyon hindi lamang sa kanya bilang aktor kundi maging sa mga manonood, lalo na sa mga pamilya na may kapamilyang may espesyal na pangangailangan. Malaki rin ang pasasalamat niya na naging instrumento ang Budoy para mapalawak ang social awareness sa mga ganitong kondisyon.
Si Gerald Anderson ay unang nakilala sa Pinoy Big Brother: Teen Edition noong 2006, at mula noon ay naging isa sa pinakapinapanood na leading man sa bansa. Kadalasan siyang nakikita sa mga action o romantic dramas, kaya naman naging malaking hamon para sa kanya ang papel bilang si Budoy. Nagsilbi itong turning point sa kanyang career, kung saan napatunayan niya ang kanyang versatility at lalim bilang aktor.
Gerald Anderson at Julia Barretto, spotted sa NAIA Kamakailan lamang ay namataan sina Gerald at Julia Barretto sa NAIA, na naging usap-usapan sa social media. Bagaman hindi malinaw kung sila ay paalis o kararating, nagdulot ito ng panibagong ingay sa estado ng kanilang relasyon.
Karen Davila, diretsahang tinanong si Gerald Anderson kung sila pa ni Julia BarrettoSa isang panayam kay Karen Davila, tinanong ng veteran journalist si Gerald tungkol sa estado ng relasyon nila ni Julia. Bagaman hindi diretsahan ang sagot ng aktor, iginiit niyang masaya siya ngayon at naka-focus sa mga bagay na mahalaga sa kanya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!
Source: Gerald Anderson, binalikan ang makasaysayang role niya bilang si Budoy: “Pressure is a privilege”