Gela Atayde: Time To Dance to shine light to aspiring dancers

Sina Gela Atayde at Robi Domingo ang mga hosts ng Time To Dance, ang bagong dance survival reality show na co-produced ng ABS-CBN at Nathan Studios.

Ang Nathan Studios ay production company na pag-aari ng ina ni Gela na si Sylvia Sanchez.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gela sa mediacon ng Time To Dance nitong Huwebes, January 16, 2025 sa Restaurant 9501, 14th floor, ABS-CBN ELJ Bldg.

Paano nabuo ang show?

Lahad ni Gela, “Actually, this is really a passion project of mine. Iyon, it was really pitched to me na magka-dance show.

“It’s really a dream of mine naman talaga.”

Nagpasalamat si Gela kay Laurenti Dyogi, na head ng ABS-CBN TV Production at Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Ani Gela, “Pero idea po talaga iyon ng Star Magic, Direk Lauren. It was really him who believed in me in the first place.

“And, of course, with the help of my mom who conceptualized all of this. It’s really a collaboration of different productions.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Excited si Gela na mabigyan ng spotlight ang pagsasayaw at mga nakakasama niya rito.

“But aside from that kasi I think it’s because my mom would always say na dahil nakita po nila yung puso ko and passion for dance.

“Not just dance itself but the community, this is also somehow an advocacy project for me.

“I think it’s because being in a team, being part of the community, I see the ins and outs and what really happens, yung mga kulang, yung mga sobra.

“And here in Time To Dance, I wanted to do this because I want to be able to help those who want to explore dance more, [those who] want to learn about dance.”

Na-inspire rin daw si Gela na makatulong sa ibang aspiring dancers.

“I had teammates kasi that weren’t really financially stable enough to fly with us also to HHI.

“So, that was when the realization like hit me na I wanna be able to help because I’m privileged enough to and I’m really thankful that I am, and I was given this opportunity to.

Ang team na tinutukoy ni Gela ay ang Legit Status, na binubuo ng mahuhusay na dancers mula sa iba-ibang high school at colleges sa Pilipinas.

Kabilang si Gela sa grupo na naging kampeon sa World Hip Hop Dance Championship sa Phoenix, Arizona, USA noong 2023. May 54 dance groups silang nakalaban sa kumpetisyong iyon.

GELA ATAYDE ON BROTHER ARJO ATAYDE

Bago pa man makilala si Gela bilang isang dancer ay unang pinasok ng kuya niyang si Arjo Atayde ang mundo ng pagsasayaw.

Dating miyembro si Arjo ng Legit Status.

Tinanong ng PEP si Gela kung may tsansang maging guest si Arjo sa Time To Dance at mapanood ng publiko silang magkapatid sa isang dance number?

“I hope so,” bulalas ni Gela na nakangiti.

“Ako hindi ko po alam talaga, in all honesty kasi hindi pa po kami tapos mag-shoot.

“Hopefully! Hopefully, you guys get to.

“Like, I’m really crossing my fingers that Kuya finds time also to rehearse bilang busy rin po siya as a congressman.

“Si Kuya po kasi he is also very meticulous when it comes to dancing, ayaw niya po yung sasalang lang siya ng basta-basta.

“He always tells coach, ‘Coach I have to rehearse!’ Like weeks before o a week before, minimum.”

Siguradong marami ang matutuwa na mapanood silang magkapatid na sumasayaw na magkasama.

TIME TO DANCE CELEBRITY JUDGES

Samantala, mapapanood sa Time To Dance bilang guest judges at coaches sina AC Bonifacio at Darren Espanto, pati na ang mga sikat na dance coaches na sina Chips Beltran, Lema Diaz, at Jobel Dayrit.

Magsisilbing dance council members naman si World of Dance Philippines director Vimi Rivera at World of Dance Philippines third place winner Ken San Jose.

Sa unang episode ay ipinakilala ang labimpitong (17) dance hopefuls na sumailalaim sa intense training, at gamit ang kanilang husay at passion ay masusubok kung sino ang matitira sa weekly eliminations.

Mapapanood ang Time To Dance tuwing Sabado, 8:30 P.M. sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, MYX, iWantTFC, at sa TFC.

Shopping cart