Gaya sa nakalipas na mga insidenteng may kaugnayan kay Kingdom of Jesus Christ (
Gaya sa nakalipas na mga insidenteng may kaugnayan kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy, agad na nagpalabas ng official statement si Vice President Sara Duterte ngayong Linggo, Agosto 25, upang kondenahin ang tinawag niyang “grave abuse of police power” sa pagpapatupad ng pulisya ng arrest warrant laban sa wanted na pastor sa KOJC compound sa Buhangin District, Davao City nitong Sabado, Agosto 24.
At gaya rin ng dati, ikinumpara ng netizens ang ginawa ng Bise Presidente para kay Quiboloy sa kawalan nito ng reaksiyon sa pagbangga ng mga barko ng China Coast Guard (CCG) sa dalawang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) malapit sa Escoda Shoal nitong Agosto 19.
Kapwa nagtamo ng malaking pinsala ang dalawang PCG vessels na BRP Bagacay at BRP Cape Engaño sa insidente.
#PilipinasToday
#VPSaraDuterte
#SaraDuterte
#Duterte