Gasolina, tataas ng P1 simula bukas

Nagbigay ng indikasyon ang mga kumpanya ng langis na magkakaroon ng P1 na oil price hike simula bukas.

Tinaya ng Unioil na posibleng tumaas ng 80 centavos hanggang P1 per liter ang gasolina habang ang diesel ay tataas ng 10 centavos hanggang 30 centavos per liter.

Samantala, batay sa pagtaya ni Rodela Romero, director ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy, posibleng tumaas ng 40 centavos hanggang 90 centavos per liter ang gasolina.

Posible rin na magkaroon ng dagdag sa presyo diesel at kerosene na mula 20 centavos hanggang 40 centavos per liter, o posibleng mananatili ang presyo.

Iniugnay ni Romero ang oil price hike sa maraming external factors sa agresibong interest rate cut ng US Fed Reserves at ang kaguluhan sa Middle East.